Kabanata 11 - A New Friend?

2.9K 61 0
                                    

Kabanata 11:

PONYANG'S POV:

"Class you should review for the midterms. 20% of your grades will come to your scores here. Especially you Ms. Buenafe." Tinignan ng prof si Dana.

Napailing nalang ako. Ang alam ko kase hindi naman ganyan si Dana nung first year pa kami. Simple lang ito at tahimik. Palasagot ito sa mga discussions at hindi katulad ngayon na puro pasosyal nalang ata ang alam.

Pero from the start Dana hates me.. Ewan ko kung baket.

After ng klase diretso agad ako sa rooftop. Kailangan kong mag review. At gagawin ko yun habang nagtetake ng lunch.

Habang nagrereview at kumakain naagaw ang atensyon ko ng mga mahihinang paghikbi.

Hala! May multo?

Pinagmasdan ko ang lugar. Ako lang ang tao dun!

"Shit this life!" Sigaw ng di ko alam kung sino.

Napatingin agad ako sa likod ko. At sa sulok ng rooftop dun ko napansin na may babaeng nakaupo doon at nakayuko.

Dahan dahan akong tumayo at nag ninja moves papalapit sa kanya.

Please don't be a ghost.. Please don't be a ghost

Nung nasa harap ko na siya. Mariin kong pinikit ang mata ko.

"Uy!" Nakapikit kong pagtawag sa kanya.

Nung wala akong narinig na sagot ay dahan dahan ko ng dinilat ang mata ko.

"Uy!" Sigaw ko ulit.

Hindi pa din niya ako pinapansin.

What's wrong with her?

"Miss excuse me multo ka ba? Bakit hindi mo ko pinapansin?"

"Shut up Cruz! Leave me alone!" sigaw niya.

"Da-dana? Ikaw ba yan?"

Dun na niya tiningala ang mukha niya. "Yep it's me. Now get lost!"

I let out a sigh of relief.

Si Dana nga

"Anong ginagawa mo ba kase dyan sa sulok? Akala ko talaga multo ka!"

"I said, get lost!" tumayo siya at nilagpasan ako.

Sinundan ko siya ng tingin at nakita kong tahimik siyang umupo sa isa mga mga upuan.

Kung ayaw edi wag!

Nilapitan ko siya.

"Fine." Tipid kong sabi sabay balik sa upuan ko.

Bahala ka dyan

Tinuloy ko ang pagrereview ko.

"The creation of new things or concepts further makes language dynamic, because of new words--"

"Hey!" Biglang sigaw ni Dana.

Hindi ko siya nililingon. Tinuloy ko lang ang pagbabasa ko.

"...coined from old ones to--"

"HEY CRUZ!" Malakas na sigaw nanaman ni Dana.

Lihim akong natawa.

Pa-get lost get lost ka pang nalalaman tapos tatawag tawag ka ngayon diyan.

Pinaseryoso ko ang mukha ko at tinaas ang isang kilay ko.

Dun ko siya nilingon.

"What?" sabi ko sa kanya.

My First Hate Love (tagalog) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon