Kabanata 17 - Go get the girl!

2.6K 51 0
                                    

Kabanata 17:

"P-Prince!" pinilit kong maging normal ang boses ko kahit na feeling ko e mapapaos ako.

"Yup it's me." nakangisi niyang sabi. "Anyway your Nathan is waiting for you." sabay turo sa table nila Dana.

"Ba-bakit ngayon ka lang?" wala sa loob kong tanong.

"Why do you care?" bigla siyang nagsungit at nilampasan na niya ako.

What's wrong with him? Kinindatan niya ako tapos bigla biglang nagsungit na ewan!

Nagpakawala ako ng hangin at tuloy tuloy na akong naglakad papunta kela Dana. Sinalubong ako ng nakangiting Nathan. Pero wala ako sa mood para ngumiti. Kahit pekeng ngiti hindi ko magawa. Nakakairita naman kasi talaga. Sa sarili ko ako naiinis. Sa dami ng pwedeng magustuhan dun pa sa beast na yun! Grrr!

"Una na ko guys." malamig kong sabi sabay kuha ng gamit ko.

Hindi ko na sila hinintay na magsalita. Dire-diretso na kong umalis.

Dumiretso ako sa school ground. Umupo ako sa damuhan kung saan malilim sa tabi ng malaking puno.

I need some fresh air. Baka kasi dahil sa init ng singaw ng canteen eh napasukan ng masamang hangin ang katawang lupa ko at ganun nalang ang epekto sakin ni Prince.

May aircon dun! Mahadera ka!eksenang buni ng isip ko.

Napailing ako. Pati sarili ko kinakalaban ako.

Eh pano naman kasi hindi mo nalang aminin sa sarili mo na gusto mo talaga si Prince. bigla nanamang singit ng inner self ko.

Baliw na ata ko kakaisip kung bakit nangyari to.

Nasa ganun akong eksena ng biglang may papel na tumakip sa mukha ko. Natangay siguro dahil sa lakas ng hangin. Nang tignan ko yung papel eh nagulat ako! Eh pano ba naman e picture to! PICTURE KO! medyo madungis yung picture at sinunog yung ibang parts! Alam ko eto yung new year picture namin kasama si Nathan at family niya!

Anong ginagawa nito dito? Dala dala to ni Nathan? Asan siya?

Tumingin ako sa paligid hinahanap ko si Nathan. Pero hindi ko siya makita. Hanggang sa nahagip ng mata ko si Prince. Hingal na hingal at waring may hinahanap.

Oh? Ginagawa nito dito?

***********

Prince's POV:

Darn it!

Shit!

Sa lahat naman ng mawawala eh yung picture pa ni ANGEL!

I dunno if I'm crazy pero kanina nung nakita ko ulit si Patricia after a week. Eh super namiss ko siya! Nung papalapit ako sa kanya. Gustong gusto kong hilahin siya at yakapin nalang ng sobrang higpit. Yung tipong kakapusin siya sa oxygen!

Pero siyempre hindi ko naman pwedeng gawin yun. Lalo at nakita kong nandun ang asungot na si Nathan! Porket nawala ako ng ilang araw e pinopormahan na pala niya si Patricia!

You're crazy Prince. Di ba ikaw ang unang umiwas kay Patricia? Ginamit mo pa si KC! Now you're acting this way? Stupid. reklamo ng isip ko.

Well tama naman siya. Ako ang unang umiwas. Kasi hindi ko matanggap na I fell for that girl.

Inis na inis ako sa sarili ko. Bakit ba kasi pinalagpas ko yung chance nung nasa gilid kami ng ice skating rink. I should've just told her the truth. My true feelings for her. Pero anong ginawa ko? Iniwasan ko siya. Not giving her any definite answers. I'm sure that time e super curious siya dahil sa inasal ko. Bakit ba kasi ang torpe mo PRINCE?!

Umakyat ako sa rooftop kanina after kong makita si Patricia. Kinausap ko nanaman ang Angel ko para kumalma ako. Pero I'm such a clutz! Nabitawan ko siya dahil sa lakas ng hangin!

Then this happened! I can't find my Angel! I know dito lang siya sa school ground liliparin.

I can't have the girl I like. I can't even confess to her! Now nawawala pa ang Angel ko? Grrrrr!

"Angel? Where are you? Please come back to me!" hindi ko na napigilang isigaw ng naiinis na ko.

Nang super frustrated na ako. Biglang narinig ko yung boses ni Patricia.

"Prince! Prince!" sigaw niya sa di kalayuan habang kumakaway.

My.. Angel?

Ewan ko pero I automatically smiled nung nakita ko siya. Lahat ng inis, ng galit nawala nalang instantly! Parang magic ba!

Nakangiti akong tumatakbo papalapit sa kanya.

This is it! Win or lose! I should confess my feelings!

Siya lang talaga yung babaeng may ganitong effect sakin. Yung mabilis akong mainis! Sa totoo lang ako yung tipo ng taong walang pakialam sa buhay or sa pananaw ng iba. Pero pagdating sa kanya. Kada ngiti niya kada simangot niya malaki ang epekto sa pagkatao ko.

Kahit sobrang badtrip ako basta makita ko lang ang ngiti niya magiging okay na ako. I want to be like this for the remaining days of my life. I want her in my life! I badly want her!

Nang medyo malapit na ako sa kanya nagulat ako sa biglang pagsulpot ni BOY ASUNGOT! aka NATHAN!

Darn this guy!

Hindi pa nakuntento ang asungot eh hinila pa palayo si Patricia!

Hindi ako papayag! Kailangan ko silang mahabol. Pero maya maya lang nahagip ng mata ko ang hinahangin na picture ni Angel! Automatic na hinabol ko ito. Napahinto lang ito sa paglipad ng ma-trap ito sa ilalim ng isang bench.

Gotcha!

Pumihit na ako pabalik para sundan naman sila Patricia pero I'm too late. Hindi ko na sila nakita. Hay.. Maybe it's not yet the right time para magtapat ako.

Napatitig nalang ako kay Angel. One of these days angel, I'll tell her everything.

Naisipan ko nalang umupo sa malilim na part kung san may malaking puno. Napapikit ako ng mariin.

I failed to regain my memories. Feeling ko nasayang lang ang pagpunta ko ng Baguio. Sabi ng hinire kong detective e dun daw yun sa infinite hotel. Where me and my family spent our new year together. Our Last new year together.

Tinitigan ko ulit ang picture ni Angel. Nagbabakasakali akong gagaan ang loob ko. Pero teka... Nilapit ko pa lalo ang mukha ko sa picture. Napansin ko kasing may nakahawak sa kamay ni Angel. Ang kaso hindi ko ito makikita ng buo dahil sunog na ang ibang parts neto.

Nagpakawala ako ng hangin. Tinutok ko nalang ang atensyon ko sa mukha niya. Bigla nanamang pumasok sa isip ko si Patricia.

Hey bro! Kilos! Wag kang magmukmok diyan! Go get your girl! biglang sigaw ng isip ko.

Shit! Tama! Ano nga bang ginagawa ko dito?

Napangisi ako sabay tayo. Ang akin ay akin lang! Patricia's mine!

*****************

My First Hate Love (tagalog) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon