Kabanata 9 - Ang Prince yakap ng yakap

2.9K 60 1
                                    

Kabanata 9:

"Okay ka na ba?" Concern na tanong ni Prince.

"Oo salamat." Nakangiti kong sagot.

Weird man yung ginawa niya kanina e okay lang. Good kind of weirdness naman ang nangyari. Siguro kahit sino naman ang nasa sitwasyon na yun pag nakakita ka ng umiiyak eh icocomfort mo naman talaga.

Kasalukuyan kaming naglalakad palabas ng hotel. Napagdesisyunan na namin ni Prince na umuwi.

"Anyway wa-wag kang mag isip ng ku-kung ano about sa kanina ah. Hindi ko lang talaga kayang may makitang babaeng umiiyak." Pagpapaliwanag niya.

Mataman ko siyang pinagmasdan.

Kahit pala ang matapang at mapang asar na si Prince e may soft side din pala. Napangiti ako.

Napansin niyang nakatingin ako sa kanya.

"Oh, wag kang tumingin ng ganyan saken. Ang panget mo kasi lalo pag umiiyak ka e. Kaya ko yun ginawa! Haha!" Pang iinis nanaman niya.

"Ayan ka nanaman! Pasalamat ka wala akong dalang LIBRO!" Pasigaw kong sagot.

Tinakpan niya ang mukha niya. "Oh easy lang. Huwag na sa mukha! Alam mo namang million dollar face to! haha!"

Abnoy talaga tong si Prince.

Natawa na din ako.

Inipit ko sa palad niya ang panyo niya. "Oh bago ko makalimutan. Salamat nga pala ah." Nakangiti kong sabi sa kanya.

Tumigil siya sa paglalakad. Nagulat ako ng bigla niyang kunin ang kamay ko at nilagay dun ang panyo niya.

Mahigpit niyang hinawakan pasara ang kamay ko. "Mukhang mas kailangan mo to e. Sayo na muna." He smiles so sweetly.

Napatitig ako sa mga mata niya. Kita ko ang pag aalala doon.

"Ikaw talaga! May panyo naman ako sa---"

Kruuuuuuu~

Napahawak ako sa tyan ko.

Gutom na ko talaga :(

"Pero sa ngayon mas kailangan mo ang pagkain. Haha! Balik muna tayo sa party! Medyo gutom na din ako e." Nagpatiuna na siya paakyat. Sumunod ako sa kanya.

"Yey! Magpapa kabundat ako sa BUSOG! Haha!" Excited kong sigaw.

Kakain ako ng madaming madaming madami!

Sabay kaming tumawa ni Prince.

I like this side of him better. Sana huwag na siyang topakin ulit.

****------****

Pagkatapos ng Trigo ko umakyat agad ako sa Rooftop.

Habang kumakain ako ay sinabay ko na din ang pagrereview. Malapit na kasi ang midterms. Doble kayod nanaman sa pag aaral.

"The equation is compose of--" Biglang sumulpot sa harap ko si Clyde!

"Gotcha!" Sigaw niya.

"AY GOTCHA!" Gulat kong sigaw.

Tumawa siya. "Sabi na at nandito ka lang."

Tama yan makakapag aral nga ako ng nandyan ka! Sheeeesh!

Tipid akong ngumiti. "May kailangan ka?"

"Ay wala naman. Sakto kumakain ka pala.." Nakangiti niyang sagot.

My First Hate Love (tagalog) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon