Kabanata 8 - Ouch! Ang sakit!

2.8K 77 2
                                    

Kabanata 8:

Sa labas palang ng function room ay may malaking malaking arko nang makikita na may nakasulat na "masquerade".

"Your name please?" Nakangiting bungad ng babae sa akin.

Naghiwalay muna kami ni Prince dahil magkaiba ang pasukan ng lalake at babae.

"Patricia Monique Cruz." Nakangiti kong sagot.

Sinipat ng babae ang tingin ko ay guest list para hanapin ang pangalan ko.

May ganito pa pala silang kyeme. Samin kasi kapag may birthday kahit mga tambay lang sa kanto basta nandoon sila malapit sa inyo di na kailangang ng ganyan ganyan, tatawagin nalang.

"Got it!" May binigay sa akin na light blue na mask ang babae. "It suits your dress. You look like a princess." Nginitian ko siya.

"Thanks." Sinuot ko ang maskara at nagpatiuna na ako para pumasok.

Pagkapasok ko ay nagulat ako sa ganda ng pagkakaorganize ng lugar. May napaka laking chandelier sa gitna. May malalaking pillar sa gilid gilid. Puro greek carvings ang makikita doon. Talagang naglaan ng malaking pwesto sa gitna.

Siguro yun ang dance floor.

"Excuse me po dito po tayo." Niyaya ako ng isang babae sa gilid. Lahat kami doon ay nakamaskara at napansin ko lahat kami ay babae.

Biglang dumilim at ang tanging natirang ilaw ay ang sa stage. Meron doong trono at sa harap ay red carpet.

I rolled my eyes. Mga pauso neto ni Dana oh.

May lalakeng naka pormal na suot doon na may hawak na papel. Sa tingin ko yun ang host.

"Good evening everyone my name is John Harris your host for today. I know that all of you are excited to see our birthday girl. So wait no more! Ladies and gentleman let's give her a round of applause, our one and only princess for tonight Ms. Dana Marie Enriquez!"

Tinapat ang spotlight sa papalabas na Dana sa gilid. Meron itong shining shimmering na golden gown at may tiara pa siya.

Taray! belle lang ampeg? Pero pang beast ang ugali! Haha lihim akong natawa sa naisip kong yun.

Bago siya umupo ay nag bow pa siya sa amin. Ngiting ngiti ang bruha. Aaminin ko ang ganda niya today. Medyo makapal nga lang ang make up niya.

Patricia pagbigyan mo na birthday e...

Fine fine!

"Thank you everyone for joining me today as I celebrate my 18th Birthday. Alam ko hindi kayo aware na masquerade party ito. Kaya po ako na ang nagprovide ng mga maskara para sa inyo. Bago po natin ituloy ang kaarawan ko. Let's play a little game called Kiss me in the Dark." She chuckles.

Kiss me in the Dark?

Lahat ng taong nasa paligid ko ay nagtawanan at nagbulungan.

"Huwag kayong mag alala. Wala pong mga kasamang oldies dito sa party ko. Kahit sa mga staff at waiters na kasama natin ngayon. Walang edad na lalagpas ng 25 years old..." Tumayo siya.

Grabe! Talagang may ganito pang pakulo tong si Dana ah?

Sa totoo lang medyo naexcite ako. Ngayon lang ako makakapag party na walang matandang sisita sa bawat galaw ko.

"All of us are FREE tonight! Walang magbabawal sa atin! Gusto ko lahat tayo mag enjoy okay?! Sigaw ni dana.

"Wooooooooooh!!!" Sigaw with matching palakpakan ang mga nandito. Lahat ay excited sa pagsisimula ng gimik neto ni Dana.

My First Hate Love (tagalog) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon