Kabanata 5 - The Big Bad Prince!

3.7K 69 0
                                    

Kabanata 5:

Maaga akong pumasok ngayon.
Ewan ko ba pero ganadong ganado ako.

Gusto mo lang makita agad si Clyde e hihi :) uy hindi naman. Medyo medyo lang. Haha

Eto lang ang ayoko dito sa school na to eh. Ang layo ng nilalakad. Ayaw naman nila magpapasok ng tricycle. Eh kase naman karamihan sa mga estudyante dito, de kotse o kaya de hatid. Ako lang ang naglalakad sa pagka layo layong kalsada na to.

Kasalukuyan akong nagrereklamo sa utak ko ng biglang may humintong itim na sasakyan sa gilid ko. Lumingon lang ako at nagpatuloy lang ako sa paglalakad. Baka sindikato yan at kunin ang mga lamang loob ko! Jusko po!

Binilisan ko pa lalo ang paglalakad. Pero nakasunod pa din ito sa akin. Shoo shoo! Binubugaw ko itong parang langaw. As if naman umalis ito diba haha

"Hey!" Nagulat ako sa sigaw.
Paglingon ko si Dana lang pala.

"Anong kailangan mo?" Patuloy pa din ako sa paglalakad.

"Get in the car." Nakasunod pa din ang sasakyan niya.

"Ayoko." Delikado ako dyan. Baka ipa massacre ako nyan sa loob.

"This is about Clyde." Napahinto ako. Baket? napano si Clyde?

Bumukas yung kabilang pinto ng sasakyan at agad na akong pumasok.

"Anyare kay Isoy?" Bungad kong tanong sa kanya.

"How did you know his nickname?" Tinaasan niya ako ng kilay.

"Huh? He told me. Ano nga ang nangyari sa kanya Dana?"

"Wala naman." Tipid niyang sagot.

Ay bruha talaga to! "Ah ganon? Sige pababain mo na ako." nagtitimpi lang ako ng galit. Baka kasi ipamassacre nga ako tapos itapon nalang yung katawan ko dyan sa gilid gilid dyan! Nyay ko po!

"You're invited."

"Pababa- huh?" Ano daw?

"I said invited ka." Lumingon siya sa akin. "Invited ka sa birthday ko."

Wow! Anong gimik ni Dana to? "Hindi ako pupunta." Baka trap to!

"Wag kang magfeeling dyan Cruz. Ayokong ayoko din kitang isama. Kundi lang dahil kay Clyde..." nag cross arms siya sabay tinalikuran na ako. Kita ko namang inis na inis siya sa mga sinasabi niya ngayon.

Si Clyde? Gusto niya akong kasama. Hihi :)

Biglang huminto ang sasakyan. Nandito na pala kami sa TEA. Ngiting ngiti akong bumaba ng sasakyan. Baka gusto niya akong maging date? Napahawak ako sa dalawang pisngi ko.

"He doesn't like you Cruz." Napatigil ako sa sinabi ni Dana. Tinitigan niya ako sabay talikod.

Anong problema nun? Asyumera lang naman ako dito eh. Pero alam ko namang hindi ako gusto ni Clyde. Minamaktol nun? Hmp bruha talaga.

I shrug. Pinagpatuloy ko nalang ang pag dedaydream ko about kay Clyde. Hihi :)

--

LUNCH BREAK NA! favorite subject ko! Haha

Umakyat ako sa rooftop ng school. Masarap kasi dito kumain. Mapresko dahil may shade. Meron ding mga upuan at lamesa. Alagang alaga naman ng mga janitor sa linis dito. At ang the best dun.. Solo ko pa! Haha

"Chibugan na!" Nilabas ko ung lunch box ko.

Nagulat ako ng biglang may tumabi sa akin.

My First Hate Love (tagalog) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon