Kabanata 13 - Nagiging okay na :)

2.8K 60 0
                                    

Kabanata 13:

"Bakit mo naman natanong yan?" gulat kong tanong kay Dana.

"Haha bakit kinabahan ka?" Natatawa niyang sabi.

"Hindi na--"

Naputol ang sasabihin ko sa pag ring ng phone.

Speaking of the devil

Ang tagal ko ding nakatitig sa screen ng phone ko

"Sagutin mo na! Miss ka na niyan! Haha!" sabi ni Dana

Pinandalatan ko siya at sinagot ko na ang tawag.

"He-hello?" nahihiya kong bungad

"Bakit ang tagal mo namang sagutin?" Sigaw ni Prince sa kabilang linya.

"Ah-eh baket ba kase tumatawag ka pa ng ganitong oras!"

"I-I just want to check on you. That's all."

"Check on me? Why?" Nagtataka kong tanong.

"Sige bye!"

"Tek--"

Toot toot

Pinatayan na ako ng mokong!

"Oh anong sabi ng lover boy mo?" Nang aasar na tanong ni Dana.

"Wala nang asar lang yun!" Kumuha ako ng nachos.

"Aysus! Anyway...Patricia na-in love ka na ba before?" Pag iibang topic niya.

"Ahm--oo." tipid kong sagot.

"Ako din eh." Nakangiti niyang sabi.

Kita kong napayuko si Dana.

Nalunod nanaman ata to sa isang malalim na throwback. Haha

"Kay Clyde diba?" bulong ko sa kanya.

Agad agad siyang tumango. "Oo kay Clyde." wala sa loob niyang sabi.

"Sabi na e! Kay Clyde ka in love at hindi kay Prince eh!" sigaw ko sa kanya.

Kita kong nagpanic siya. Waring ngayon lang natauhan sa sinabi niya.

"Ay! No no no! It's Prince!" sigaw niya.

"Wag ka na mag deny! Sinabi mo ng si Clyde eh! Haha. Bakit hindi mo pala sabihin sa kanya?" hindi ko napigilang itanong.

Kita kong sumeryoso ang mukha niya. "Never." tipid niyang sabi.

"Why? He said he likes you!" wala sa loob kong nasabi.

Shit!

Malalaman niyang narinig ko ang usapan nila nung birthday party niya!

"He said? How did you know?" tanong niya.

I smile in defeat. "Yes, narinig ko nung nag uusap kayo sa hotel room."

Kita ko ang gulat sa mukha niya.

"I'm sorry Cruz. I-I'm just--"

"Jealous." pagputol ko sa kanya.

"Naiintindihan kita Dana. Ayaw mong malaman niya na mahal mo din siya kaya sinasabi mong si Prince ang gusto mo. Pinupush mong gusto ako ni Clyde pero ang totoo ikaw ang nagseselos at ikaw din ang nasasaktan."

Tumango siya."You got me huh!" She bitterly smiles. "Clyde is my best friend. Pero since the moment I saw him... I'm already in love with him. Nagtapat siya ng nararamdaman niya for me nung high school kami. Sobrang saya ko kasi yung taong palihim kong minamahal ay mahal din pala ako. Pero... I rejected him. Naisip ko kasi, ang awkward! Best friend ko naging boyfriend ko. Nanghinayang ako sa friendship namin. So ayun, pumunta siya ng states to get over me." malungkot niyang pag amin.

My First Hate Love (tagalog) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon