Kabanata 19 - The Frog Prince

2.6K 50 3
                                    

Kabanata 19:

Prince's POV:

Papunta na ako kay Patricia. Hinabol ko sila kanina ni Nathan pero hindi ko sila naabutan.

Shit that guy!

Anong ginawa niya kay Patricia? I swear I could kill him right now! God forgive me pero hindi ko talaga alam ang kaya kong gawin sa kanya!

Nagulat ako kanina nung narinig ko ang nanginginig na boses ni Patricia. Pauwi na ako nun at medyo may kalayuan na din. Pero wala akong pakialam. Patricia needs me!

Wait for me my Patricia! I'm coming!

**********

Patricia's POV:

Prince is coming. Sabi niya kanina sakin nung kausap ko siya. Medyo nakakahinga na ako ng maluwag pero hindi pa din ako panatag. Mamaya kasi bumalik ulit si Nathan. I'm sure pupunta yun sa bahay at magtatanong kay mamita kung nakauwi na ako. Bakit kasi bigla siyang naging monster? Mukha naman siyang mabaet na tao. At mabaet talaga ang pagkakakilala ko sa kanya.

Napaatras ako ng may marinig akong mabilis na katok sa pinto. Lumapit ako at tinanong ko sino siya.

"It's me! Prince!" sigaw ng nasa kabilang side.

Nagpakawala ako ng hangin.

FINALLY! I'm saved!

Aktong bubuksan ko na yung pinto ng biglang pumasok sa akin na baka si Nathan ito at nagpapanggap lang na si Prince! Waaaaa!

"Hey! What's taking so long?" sigaw pa nung nasa labas.

Kinuha ko ang phone ko. I dialed Prince's number.

"Hey baliw paki bukas po ang pinto!" maktol niya sakin.

I sigh in relief. Agad kong binuksan ang pinto. Bumulaga sa akin ang nag aalalang mukha ni Prince.

"Prince pasen--"

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil kinulong na niya ako sa isang napaka higpit na yakap.

"Thank god your okay. Thank god!" bulong niya sakin.

Dahan dahang gumalaw ang kamay ko para ibalik din ang yakap sa kanya.

"Sssh thanks Prince. Thanks for being here." medyo naiiyak kong sabi.

Sobrang thankful ako dahil dumating siya para saken. Napawi ng yakap ni Prince ang kaba at takot ko. Now, panatag na ako.

I smile sweetly thinking that he hugged me! Niyakap niya ako. Nag aalala siya saken! Maybe, just maybe seryoso siya sa sinabi niya saken noon sa skating rink.

Dahan dahan kong tinulak si Prince ng maalala kong may ibang tao pala kaming kasama. Nang tignan ko ang dalagita ay ngiting ngiti siya samin na waring kinikilig.

"Sila pala ang tumulong saken." sabi ko kay Prince.

Nilapitan si Prince ng batang babae. At umaktong nagpapakarga. Ako na sana ang kukuha sa bata ng biglang unahan ako ni Prince.

"Hi there cutie, what's your name?" tanong niya dito.

Nakangiti lang ang bata sa kanya. "How old are you?" tanong niya ulit.

"7 years old na siya. Sophia ang pangalan niya. Sorry kuya pero hindi na kasi siya nakakapag salita. Simula ng iwan kami ng inay eh hindi na ulit siya nagsalita." normal niyang sabi samin.

Nahabag ako sa magkapatid. Nasabi nga ni Denang sakin kanina na wala na silang magulang. Patay na ang ama nila habang ang ina naman nila ay iniwan sila sa tiya nila. Tiya nila ang may ari ng maliit na tindahan.

My First Hate Love (tagalog) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon