Kabanata 15 - Si Past Love

2.7K 59 0
                                    

Kabanata 15:

Halos isang buong araw ko ng iniisip kung totoo or biro lang ba ang ipinakita ni prince saken nung last naming magkasama.

Back to normal na ang klase. Kahapon pa namin nakuha ang results ng exams. I'm proud to say na nakapasa ako sa lahat! Kahit na muntik ng sumabit sa physics. Haha!

Ganun din si Dana pero siya, talagang matataas ang scores niya. Lalo na sa taxation! Siya ang highest score!

Wow! Kabog! Haha :)

Nagulat pa yung mga kaklase at profs namin sa mga scores niya.

Ako hindi na nagulat. Dahil kitang kita ko talaga na nagpursige si Dana. Siyempre with the help of Clyde. So she really deserved to pass.

"Ponyang are you listening?"

Nagulat ako kay Clyde.

"Ay oo Isoy, nakikinig ako."

Ngumiti ako sa kanila. Nandito na kami ngayon sa canteen. We're taking our lunch.

"Teka how about Prince? Pumasa din ba siya?"

Tanong ni Dana kay Clyde.

Wala kasi si Prince para malaman namin ang scores niya. Kahapon hindi din siya sumabay samen maglunch.

Hindi naman siguro niya ako iniiwasan di ba?

"Yup pumasa siya sa lahat."

Ah buti naman. Effective talaga ang group study na ginawa namin.

"Your mind seems occupied bff."

Puna ni Dana saken.

The fudge!

Nahalata na niya ko.

"Ay hindi naman bff ok--"

"Hi guys!"

Naputol ako sa biglang pagsulpot ng taong akala ko e tinataguan ako.

Umupo siya tabi namin.

"Musta? Pumasa din ba kayo?"

Nakangiti niyang bungad samen sabay kuha sa fries ko.

Tignan mo to. Ngiting ngiti pa! Parang kelan lang sobrang tahimik niya.

"Oh bro akala ko ba hindi ka--"

"Hey baby boo!"

Biglang may sumulpot na babae sa likod ni Prince at agad siyang hinalikan sa pisngi.

Napatanga ako sa nakikita ko.

Sino tong mahaderang froglet na to?

"Ay guys, si Kc girlfriend ko."

Huh? Ano daw?

"Hi boo! Buti naman dumating ka na."

Pinaupo niya sa tabi niya yung babaeng BABY BOO nya.

Bagay sa kanya yung BOO kasi mukha siyang multo sa puti ng foundation niya.

Humalik si Prince sa pisngi ni KCasper na nagpa init sa ulo ko.

"Hello KCas-i mean KC, ang pretty pretty mo naman." labas sa ilong kong sabi sa kanya.

She fakes a smile na lalong nagpamukhang multo sa kanya dahil nagmukha itong evil grin. Yung tipong pang killer ba.

Lihim na napabungisngis si Dana. Kaya pinandilatan ko siya ng mata.

Ito talagang si Dana nagpapahalata!

My First Hate Love (tagalog) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon