Kabanata 3:
"Wag kang mangialam!" Sigaw ng lalakeng nasa harap ko.
"Ah ganon?" Walang ano anong bigla nalang may sumapak dun sa nasa harap ko.
Napasigaw ako sa gulat. OH MY GOD!
Napa upo nalang ako at napatakip ako sa tenga ko. Hala hala hala
Mariin kong pinikit ang mata ko.
Takot talaga ako sa mga ganitong eksena. Yung pinsan ko kase na-dead on the spot dahil lang sa pag awat niya sa dalawang lasing na nag iinuman sa kanto namin. Sumalangit nawa ang kaluluwa niya.
"Hey are you alright?" Sabay may tumapik sa likod ko.
Agad akong napadilat. Is it over?
Nagulat ako dahil yung dalawang lalakeng humahabol sakin kanina, tulog on the spot na sa harap ko!
Tulog lang ba?
Baka naman killer to at pinatay na nya mga to?
Nilapitan ko yung dalawang lalake. "Buhay pa ba sila?"
"Are you out of your mind miss? Oo buhay sila! Hindi ako mamamatay tao!"
I let out a sigh of relief. Thank god..
"Imbis na nagpapasalamat ka, pinagdudahan mo pa akong killer." Malamig niyang sabi sakin.
Oo nga pala! So rude of you ponyang!
Agad ko siyang tinitigan sa mga mata niya. "Maraming salamat." Ayan na ah!
Teka .. Is he ...
I think he's...
He's the guy in the library!
Si Mr. Cupcakes!
"La-labas naman sa ilong!" Pinagpag niya ang uniform niya.
Grabe naman tong lalakeng to! "Sincere yun mister!" Medyo napalakas ang boses ko.
He smirks "Sincere? Wag ka ngang magpatawa. Ngayon sinisigawan mo na ako oh. Tsk tsk...Sa susunod huwag ka na lang magpasalamat kung napilitan ka lang naman."
Sinugod ko siya. "Kung ayaw mong tanggapin ang sorry ko edi wag! Hindi kita--"
"CRUUUUUUUUUZ!" biglang may sumigaw. Paglingon ko.. Si DANA!
Lumapit siya sakin at tinulak ako. "Don't you dare touch him!" Napa upo ako sahig. Sino?
"Napaka dungis mo para hawakan si PRINCE! Isa ka lang basura!"
Prince?
So this guy is...
"PRINCE!" Sigaw ni clyde.
"Clyde!" Nag apir ang dalawa.
Napalingon sa akin si Clyde agad siyang lumapit sa akin.
"Anong nangyari sayo?" Inalalayan niya akong tumayo. Ang baet baet niya talaga.
"Dana ikaw nanaman bang may kagagawan neto?""Sa susunod Dana kumuha ka naman nang malakas lakas na utusan. Eh ang lampa ng mga yan e. Isang suntok ko palang taob na agad." Nakangising sabi nung prince. Ang yabang talaga!
May dumating pang mga estudyante at inalalayan ang dalawang kumag na nasa sahig.
"May sugat ka Patricia!" Napakislap ako sa hapdi nang may hinawakan ni Clyde sa siko ko.
BINABASA MO ANG
My First Hate Love (tagalog) [COMPLETED]
Novela JuvenilMeet Patricia Monique Cruz aka Ponyang. Isang anak ng pinakamasarap magluto ng ulam sa sampaloc manila.Napili siya bilang scholar sa TEA which means, The Elites Academy. Goodluck nalang kay Patricia diba? Eh, may naiinsecure sa kanya.. Si Dana. A...