Kabanata 7 - I Can be a Princess?

3.6K 63 1
                                    

Kabanata 7:

Ponyang's POV:

Ala sais na ako nakarating sa amin. Paano ba naman e imbis na maaga ako makauwi. Nagkita pa kami ng dati kong kaklase na si Charmaine. Nagkwento kwento siya about dun sa unggoy daw na kaklase niya! Haha! Ayun medyo nakalimot na sa oras.

Sa kanto palang namin eh sinalubong na ako ni Ka Linda.

"Ponyang, may naghahanap sa'yo kanina pa. Pugi." Medyo kinikilig pang sabi ng matanda.

Nagulat ako. Sino naman kaya yun?

Baka si Clyde..

Napangiti agad ako sa naisip kong yun. Dali dali akong naglakad papunta sa amin.

Natanaw ko agad ang magarang sasakyan na nakaparada sa harap ng bahay namin.

Nang makalapit na ako, dun ko nalaman kung sino ang bisita ko.

"Bakit ngayon ka lang?" Masungit niyang bungad.

Si PRINCE. Nye

Nawala ang mga ngiti sa labi ko. Ang asyumera ko talaga hmp.

"Bakit ka ba nandito?" Walang gana kong sagot.

"Oh kanina lang nakangiti ka ah. Nung nakita mo ko sumimangot ka na dyan."

"Wala. Ano bang kailangan mo?" Tinalikuran ko na siya.

Hinila nya ako paharap.

"Do you like Clyde?"

Nanlaki ang mata ko. Sobrang halata ba?

"Wha-what are you talking about?"

Napayuko siya. "I guess you do like him."

"A-ano bang sinasabi mo dyan? Wala pa naman akong sa-sagot ah."

Nilapit niya bigla ang mukha niya sa akin. "I told you before right? I can see through you. Napaka dali mong basahin. You're so transparent." Nilayo na niya ang mukha niya.

Hala nabuking na ako!

"We-well ano naman kung gusto ko siya?" Nakayuko kong sagot.

"Alam mo ba ang sinasabi mo? You'll get hurt."

Teka nga..

Is he being concern to me right now?

"Ako nang bahala sa sarili ko. Teka nga concern ka ba sa akin?" Mataman kong tinitigan ang mukha niya.

"No-no!"

"Tsaka wag ka ngang nega dyan! Malay mo naman gusto niya din ako!" Siniko ko siya.

"Sheeesh! Bahala ka nga!" Nakasimangot niyang sabi.

Oh bat bigla nalang tong nagalit?

Tinalikuran na niya ako. "Yung panyo ko isoli mo bukas sa party. Wag na wag mong kakalimutan kundi lagot ka sakin! Yun lang at sumakay na siya sa sasakyan.

"Te-teka Prince--" umarangkada na yung kotse. "...wala akong susuotin. Kaya nga ayoko ng pumunta e."

Napayuko nalang ako.

Hay! Ito talagang Prince na to!

---

Pagpasok ko ng bahay sinalubong agad ako ng nakataas na kilay ni mami.

"Oh mami baket?" Nag mano ako.

"Sino nanaman yung lalakeng naghihintay sayo dyan sa labas?"

My First Hate Love (tagalog) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon