Chapter 10

194 7 0
                                    

Avery's POV


"Anong plano niyo bukas?" Tanong ni janna, habang nasa kwarto na kami.

Nakauwi na kami galing school. And satisfied na kami sa naging resulta ng pa hearing kanina sa school.

Bye bye Ms. Cssg President 😂

"Oo nga no. Saturday.." sabi ko.

"Bar tayo..." nako mga suggestion nanaman ni kiera.

"No! Magsisimba ako sa linggo." Sabi ko.

"Oo nga. Magsimba tayo."
Sangayon ni janna

"Arayt. Arayt." Tamad na sagot ni kiera.

Ako, busy ako mag Facebook.

Eto ang mahirap sa pang i-stalk eh.

Nalalaman mo yung mga nakaraan niya.

I saw a picture of sir regan with his ex girlfriend. Charity Margarette Villanueva.  It was a 2 years ago post.
From that date backward, madami na silang pictures and status together. Naka tagged si girl, minsan si sir. They were sweet online.

They even celebrated their 3years anniversary last May 2016. Pero bakit after non eh wala ng mga post?

So, kabe-break lang nila non? 2016 is really a heartbreaking year. Yung year din na yun namatay ang parents ko eh.

A road accident.

Papunta sila noon sa Manila para magsimba doon. Dahil may parada ang isang patron. My parents were so devoted. Kaya naman kahit malayo, pupuntahan nila.

Pero wala eh, hindi na sila nakabalik.

Hindi gumana yung dasal ko nung gabing inihabilin ko sila sa Diyos.

Hindi pinakinggan ni mama mary ang dasal ko.

Dapat ba kay Jesus Christ ako lumuhod noon?

Magkaiba ba yun? Di ba sila magkasama sa langit?

Ugh! Whatever..


"Tara dinner tayo sa mcdo.." yaya ni kiera.

Sumangayon kami dahil wala na kaming maluto.

"Tama, bukas tayo mag grocery."

Nagsuot lang kami ng panlabas then nagtungo na sa mcdo.

Naglakad lang kami.

"Hey.."

Nabigla ako nang may huminto sa harap namin. Naka motor. Tapos inalis yung helmet.

Si Benedict?

"Janna, why are you not answering my calls?"

Yas. It's benedict. Janna's ex.

"Gosh! I hate road dramas.." pag iinarte ni kiera.

Come with me (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon