Chapter 29

177 8 1
                                    

Avery's POV

"Happy Birthday, Avery Gail!!!"

Nagulat ako sa naabutan ko sa labas ng bahay ko. Balak ko sanang mag jogging sa labas habang maaga pa.

"Maggie?!"

"Happy birthday, girl.. blow your candle please.." ani maggie na may hawak na cake.

"Oh? Ang aga mo naman?"

"Ano ka ba, umuwi talaga ako for you!"

"Birthday ko pala?"

Actually, alam ko naman talaga. Pero hindi ako excited, wala dito si Regan tapos ugh! Bakit ba apektado lahat dahil badtrip ako sakaniya!

"Yes, blow it na!" Aniya.

Kaya naman, sinunod ko siya. Inhipan ko ito.

"Oh? Birthday na birthday mo! Bakit ang lungkot mo?" Inilapag niya ang cake sa may table sito sa terrace.

"Eh kasi, di nagpaparamdam si Regan." Umupo ako.

Tumabi siya sa akin, "baka naman busy girl?"

"Kahit na! Kahit ba ilang minuto di siya makapag type?!"

"Eh baka ayaw pa istorbo?"

"Kahit na ako ang tumatawag!?"

"Nako, hayaan mo nalang.. mamimiss ka din nun."

"Okay.." lungkot-lungkutan ako.

Hindi na ako nag jogging pa at tumambay nalang kami ni Maggie dito sa terrace. Pinagtimpla ko siya ng coffee tapos sinabay namin yung cake na dala niya.

Binati na ako ng mga kaibigan ko kanina thru phone, pati ng pamilya ko. Pero si Regan hindi talaga!

"Mag, nagka boyfriend ka na ba?" Tanong ko out of nowhere.

Tumango siya. "Oo naman."

"Ba't di nagtagal?"

Umirap siya sabay subo ng cake, "hay nako! Ayun bes! Binalikan lang ni ex bumigay na."

"Ha? Bakit?"

"Ewan ko dun! Iniwan kasi siya. Tapos ewan ano nangyari, biglang bumalik. Aba pumayag. Iniwan ako. Edi okay, mag sama sila!!"

Gosh! Bakit parang kinukutuban ako? Where is Charity Villanueva right now?

Kinuha kong agad ang phone ko sa bulsa ko. Tapos ay binuksan ang facebook ko. I searched her name.

"Charity Villanueva.."

Ayun! I saw it!

Nagpunta ako sa timeline niya. And the heck!! Bakit nasa JAPAN siya?!! Of all countries, bakit naroon siya?!! May post siya, picture niya Tapos background ay snow. Tapos ang caption ay "Hello, Japan!"

I immediately call Mariana.

"Uy avery, ba't parang aligaga ka?"

Hindi ko pinansin si Maggie.

Pagkasagot ni Mariana.. "Ate?"

Come with me (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon