Chapter 20

212 7 3
                                    

A/N

DON'T FORGET TO BRING YOUR BIBLE. MAY MGA BIBLE NA APPLICATION, DOWNLOAD KAYO. MAS MAGANDA KUNG YUNG LIBRO TALAGA. MAS MADALING MAGHANAP DOON.

AYUN, SANA I-CHECK NIYO.

---

Avery's POV

Bumalik ako sa national bookstore para bumili ng dalawa pang bibliya, yung iba-iba ang nagsalin. Mga pari at protestante ang mga nagsulat, pero ang nilalaman ay ganoon sa binasa sa akin ng Minsitro Ng Iglesia Ni Cristo. Iba iba lang ang termino dahil nga iba iba na ang mga nagsalin. Pero bakit ganoon padin ang nais nitong iparating?

I'm getting interested. Duh? Buhay ko sa after life ang pinaglalaban ko. I believe in revelation kaya naman I will do my best to be with those who'll be saved.

Alam mo yung feeling na naguguluhan ka na?

All my life naniwala ako sa ganito. Pero hindi pala ganoon dapat.

Hindi ko alam ang gagawin ko. Kaya naman nagkusa akong bumalik doon sa kapilya ng INC. Dumalo akong muli sa Misyon na kanilang isinagawa.

Nauna pa nga ako kay ate freilla.

Ang topic ngayon ay patungkol sa Rebulto at mga larawan na nakikita natin sa mga simbahan lalo ng katoliko.

And this time, dala ko na ang bibliya na binili ko.

Bawat sinasabi niya ay binubuklat ko. At Lahat ay nakasulat muli. Bakit hindi alam ng marami iyon?!

Exodo 20:3-5

3Huwag kang magkakaroon ng ibang mga dios sa harap ko.

4Huwag kang gagawa para sa iyo ng larawang inanyuan o ng kawangis man ng anomang anyong nasa itaas sa langit, o ng nasa ibaba sa lupa, o ng nasa tubig sa ilalim ng lupa:

5Huwag mong yuyukuran sila, o paglingkuran man sila; sapagka't akong Panginoon mong Diyos, ay Diyos na mapanibughuin....

Gawa17:29
Yamang tayo nga'y lahi ng Diyos, ay hindi marapat nating isipin na ang pagka Diyos ay katulad ng ginto, o ng pilak, o ng bato na inukit ng kabihasnan at katalinuhan ng tao.

Hindi sila repleksyon o tagapamagitan. Dahil sinasabi sa;
1Timoteo 2:5
Sapagka't may isang Dios at may isang TAGAPAMAGITAN sa Dios at sa mga tao, ang taong si Cristo Jesus.

Si Cristo ang tagapamagitan. No other than him.

Hindi Diyos si Cristo. Anak siya ng Diyos,
Matteo 10:32
Kaya't ang bawat kumikilala sa akin sa harap ng mga tao, ay kikilalanin ko naman siya sa harap ng aking Ama na nasa langit.

Si Cristo ay Tao at hindi Diyos.
Juan 8:40
Datapuwa't ngayo'y pinagsisikapan ninyo akong patayin, na taong sa inyo'y nagsasaysay ng katotohanan, na aking narinig sa Dios: ito'y hindi ginawa ni Abraham.

1Timoteo 2:5
Sapagka't may isang Dios at may isang TAGAPAMAGITAN sa Dios at sa mga tao, ang taong si Cristo Jesus.

Come with me (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon