Chapter 21

192 9 7
                                    

Avery's POV




Maraming nangyari. Marami akong narinig na pawang katotohanan. At handa akong magbagong buhay mula ngayon.

"So, you're telling me that you're currently on the process of entering the INC?" Tanong ni maggie. Kasama ko siya ngayon dito sa gazebo sa may garden ng bahay niya.

I nod. "Yes girl.."  sabay lagok ng iced tea na hawak ko.

Siya naman, kumagat ng malaki sa burger na hawak niya. "So, you mean to tell me, hindi ka na iinom ng alak?"

"Hindi na." Tamad kong sabi habang nakatutok sa phone at nag su-surf sa instagram.

"Nako girl... wala naman sa bible yun jusmiyo." Sabi niya, halata sa boses niyang may pairap irap pa siya.

Bigla akong bumalik sa home, tapos ay nagpunta sa Bible application sa cp ko.

Hinanap ko ang talatang pinaka favorite ko sa lahat, sa ngayon.

1 Corinto 6:9-10

9O hindi baga ninyo nalalaman na ang mga liko ay hindi magsisipagmana ng kaharian ng Diyos? Huwag kayong padaya: kahit ang mga mapakiapid, ni ang mga mananamba sa diosdiosan, ni ang mga mangangalunya, ni ang mga nambababe, ni ang mga mapakiapid sa kapwa lalake,

10Ni ang mga magnanakaw, ni ang mga masasakim, ni ang mga manglalasing, ni ang mga mapagtungayaw, ni ang mga manglulupig, ay hindi mangagmamana ng kaharian ng Diyos.


Iniharap ko ang cellphone kay maggie, but she just nodded. She has no response other than that. Which is so uncommon.

It's the fact yet her reaction is just like THAT?

Maybe, it's not her time.

"Whatever girly.." Aniya

"Hay bahala ka. Basta, magsuri ka girl."

"Sige. Pag may time ako."


Hindi na ako nakipagtalo pa. Dahil alam ko ang nararamdaman niya. Ilang taon na ang ginugol ko dito sa mundo. Almost 100times na akong nayaya o inimbitahang makinig noon, pero kung kailan ako tumanda ay doon ako nagpaunlak.

Sana pala matagal na kong nagsuri para Iglesia na sana ako ngayon.

Ang proseso kasi ng pag-anib ay isang buwan na pakikinig sa doktrina, tatawagin kang dinudoktrinahan. Pag natapos mo ang 25 lessons, ay magiging sinusubok ka, sa loob ng anim na buwan ay dapat tuloy-tuloy ang iyong pagsamba. Dahil dun mo patutunayan na desidido ka. At kapag nakapasa ka sa pagsubok, na yun nga ay ang pagsamba ng walang palya, ay mababautismuhan ka na.

Kung sa katoliko ay may binyag, sa Iglesia ay may Bautismo.

Kapag nabautismuhan ako ay ganap na akong kaanib.

Kaya naman excited na ako!

"Maggie, iwan na kita. Magpahinga ka kadarating mo lang from manila."

Come with me (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon