Chapter 17

164 9 2
                                    

Avery's POV


Madalas akong nasa shop lang. Tapos ay mag sho-shopping sa mall o kaya gagala kasama ni maggie.

Gaya ngayon, nandito kami ni maggie sa isang karaoke bar.

Naipakilala ko nadin naman siya sa mga dati kong kaibigan. Kaya wala na kaming hiya-hiya sa isa't isa.

"Maggie, wait.." sabi ko. Busy kasi siya kumanta eh! Birit na birit!

Tumatawag kasi si ate freilla sa phone ko. Kaya lumabas ako doon.

Maingay din naman paglabas dahil may mga tao sa arcades. Pero atleast naririnig ko ang sarili ko.

"Hello, yes ate?"

"Ahm.. pwede ka ba bukas ng gabi? Makinig ka lang ulit."

"A-ah.. ate.. may lakad ako bukas eh. Hanggang weekend na."

"Ah ganoon ba? Sige, mag-ingat ka avery."

"Thank you ate. Kelan ka nga pala manganganak?"

"Ngayong linggo na eh. Hinihintay ko nalang."

"Wow ate!"

"Sige avery.."

We hung up.


Pumasok akong ulit sa karaoke bar na nirentahan namin. Katatapos ng kanta ni maggie.

"San ka galing?" Tanong niya.

"Sa labas lang. May sinagot akong tawag eh."

"Sino daw?"

"Si ate freilla. Niyayaya ako sa church nila."

Kita kong ngumiwi siya. "Naku! Huwag kang sasama sa ganon girl.."

"Ha? Why not? It's not bad naman."

"Wala. Bahala ka. Makalimutan mo niyan ang alak. Kaya mo iyon?" Natatawa niyang sabi.

Kaya nakitawa rin naman ako.

Nag dinner kami sa isang resto. Then, umuwi na.

I'm so tired! I need to unwind! Kaya naman bukas ng tanghali ay luluwas kami pa- manila ni maggie. Going to do something new!

Nag empake ako bago matulog.


---



"Gaano kalayo ang bar mo dito sa condo mo?" I asked while I unpacked my things.

Narito kami ni maggie sakaniyang condo unit sa QC. Trip naming mag manila eh!

"Malapit lang dito. About 10 minutes ang byahe.." Aniya. Nagpupunas siya ng buhok. Dahil katatapos niyang naligo. Nakasuot siya ng maikling shorts at hanging shirt.

While me, naka black dress. Backless ito.


"So, what are we gonna do?"

Come with me (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon