Chapter 16

193 8 6
                                    

Avery's POV

Maraming puno. Magaganda at makukulay ang mga bulaklak. Sobrang sarap ng hangin, itinatangay nito ang laylayan ng suot kong yellow beach dress.

Natatanaw ko rin ang dagat mula rito.

"Avery... come with me.."

Inaabot ko ang kamay ni sir. Hindi ko alam kung saan siya galing. Basta bigla nalang siyang sumulpot. At basta, sasama ako sakaniya.

"Sir.." naabot ko ito at sumabay sa kaniya maglakad.


TIK TILA--OK!!

Oh shit!
Napabangon ako doon. Urgh!!

Ang sakit ng ulo ko. Ano nanaman iyong panaginip na iyon?! May ibig sabihin ba iyon?

Ilang beses ko na bang napananaginipan? Thrice? Or more?
Si sir regan, laging sumusulpot tapos sasabihing "COME WITH ME"

Patay na ba siya?

Jusko!!

Bumangon ako, at sa pagbangon ko ay nakusot ko ang mata ko atsaka tiningala ang wall clock sa kwarto ko. 8:36am?

"What to do.. what to do.." I murmured. Habang naglalagay ng toothpaste sa toothbrush.

Nakaharap ako sa salamin. Medyo pumuti ako dahil ang tagal ko sa japan. Pero ang buhok ko ay nananatiling hanggang leeg lang. Bagay daw sa akin ang short hair kaya naman minentain ko ito.

Sa pagtanda ko ay lalong humulma ang shape ng katawan ko.

Urgh! Naaalala ko si sir regan!


Kainis >_____<


Nagpasya akong mag walking sa labas para nadin mag breakfast sa isang coffee shop. Meron kasi dito sa loob ng subdivision eh.

Naglakad ako patungo doon. Tanging ang cellphone at credit card ko lang ang bitbit ko.

Maraming puno kaya naman hindi masakit sa balat ang sikat ng araw. Malilim kaya maganda maglakad pag ganitong oras.

Napadaan ako sa bahay na malapit sa akin. Ilang kilometro ang layo kaya ngayon lang ako nakatapat doon, kanina pa ako naglalakad.

Kulay black, gray and yellow ang kulay ng bahay niya. So cool!

May kotseng puti na nakaparada sa garahe.

Sana babae yung may-ari. Para naman maka close ko.

Nang makarating ako sa isang coffee shop ay um-order ako ng isang hot coffee at choco bread lang for breakfast.

"Miss, bago ka rito?"

Imbes inumin ko ang hawak kong coffee ay inilapag ko ito. "A-ah yes.."

"Upo ako sa tabi mo ha?"

Tumango ako. Ang kaniyang lipstick ay violet. Bagay sa mala porselana niyang kutis.

Come with me (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon