Chapter 12

183 7 0
                                    

Avery's POV

CONGRATS GRADUATES!!

Mula rito, tanaw ko ang ibaba ng school.

May malaking telon na nasa stage, nakasulat ang mga katagang iyan sa taas. Pagbati sa mga estudyanteng nagtiis at naghirap para tuluyang makamit ang kanilang mga diploma.

Tatlong buwan na pala ang lumipas.
Kami? next sem, 3rd year na.

Noong nakaraang buwan, sa valentines ball namin, wala namang espesyal na ganap. Dahil di dumalo si sir. Iglesia siya, at wala silang valentines day.

So, nganga ako that night.

"Ayaw mo ba talagang mag bakasyon dito Avery?" Si tita iyan. Kausap ko siya ngayon sa phone.

"Tita, promise.. next summer vacation. May summer class po kasi ako."

"Aww. Kahit ba 1week lang?"

"Tita, promise.. next time."

"Sing tigas ng ulo mo itong si mariana!" Mariana, yung anak niya.

Natawa ako sa sinabi niya. "Nagmana siya sa akin tita. Ah tita, may klase na po ako..."

"Hay! Osige na. Mag-ingat ka dyan huh?"

"Yes po. Para po sa inyo."

Call ended.

Lumabas lang ako sa room dahil tumawag siya.

Okay!

Nakaharap ako ngayon sa salaming pinto ng classroom namin. And I saw my reflection. Matagal muna akong tumitig doon.

Ang katawan ko ay pang dalaga na. Hindi manlang ako nakita nila mama na ganito ang lagay. Miss na miss ko na sila.

Bakit kailangang sabay-sabay silang lumisan?

Nakita ko sa salamin ang buhok kong hanggang balikat na kulay itim. Ang mapupula kong labi. Ang ilong kong matangos. Ang mata kong mapupungay. Ngumiti ako kaya naman nakurba ang pisngi kong matataba.

Bagay ang mukha ko sa height ko.
I'm such a cutie--

"cute.."

Napatalikod ako para tignan kung sino yung nagsalita. Kahit na kilala ko ang boses.

"S-sir?" Yes, it's him. Tiningala ko siya.

"Haha. Hello Avery.." Aniya.

His smile! Omg! Napatulala ako.

"Pasok na tayo.."

Tumango ako. Tapos sumunod sakaniya.

"Good morning class!" Masiglang bati niya pagkapasok.

Ako naman, dumiretso na sa upuan ko.
Walang nakapansin sa akin dahil lahat sila nasa poging sir namin ang atensyon.

Come with me (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon