Chapter 27

157 8 1
                                    

Avery's POV

Nakatambay ako ngayon sa Messenger account ni Regan. Binabantayan ko. Mahirap na. Harhar🤣

Nasa office ako at nakaharap sa desktop computer.

"Ito ang mahirap.." I tsked.

Sa message request, ay naroon ang pangalang Charity Villanueva.

Wala sana akong balak buksan pero sobrang dami na niyang message. At sabi naman ni Regan, "here's my fb account, use it. do whatever you want."

Kaya ayun. Masunurin naman ako.

"Regan, please... nagbalik-loob ako para sa'yo. Para may mukha pa akong maiharap sa'yo."

"Hindi mo manlang ako pinakinggan. Nasan na yung Regan na kasama ko lagi, na nandyan lagi para sa akin? Nasan na yung bestfriend ko? Yung living diary ko?"

"I missed you, Regan."

"I'm sorry for disappointing you."

"Buhay ako. Okay na ako. Please, hear me.."

Ilan lang iyan sa mga kadramahan niya. I texted Regan para papuntahin dito sa office ko.

Kahit gaano siya ka-busy dapat ay pumunta siya.

Wala pang isang oras ay dumating na siya.

"Miss me already?" Bungad niya sa akin.

"At talagang may bitbit ka ha?"

"I brought your favorite flower, and your favorite coffee.."  May hawak siyang white roses at isang choco hot fudge coffee.

"Halika.." sabi ko.

Umupo siya sa tabi ko.

"Tignan mo iyang ex mo."

"Ano sabi?"

Pinabasa ko sakaniya.

"Bakit naman ako ang dahilan ng pagbabalik-loob niya?"

"Malay ko riyan."

"Tsk."

Nakatutok kami doon.

"Uy, replyan mo! Online oh!" Sabi ko sabay lagok sa cold coffee.

"Ano namang sasabihin ko?" Kunot- noo niyang tanong.

"Regan, teacher ka. Alam mo iyan."

"Psh.." nag type siya ng sasabihin.

"You flew in America, then what happened?" Type niya.

Nag reply siya agad.
"Gosh! Mas gusto mo ang chat ha? Well okay, kung iyan ang gusto mo...."

Nag kwento siya. Nagkwentuhan sila sa chat. At dun ko nalaman ang lahat.

Noon, Sinabi ni Charity na desidido na daw talaga siya. She wanted to die kaya nga ginawa niya iyon. She's determined. Kaya kahit alam niyang broken yung sasakyan niya, ginamit niya ito. And then yun nga, nag cause siya ng accident sa kalsada at marami ngang namatay.

Come with me (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon