Chapter 26

160 6 9
                                    

Avery's POV



Nang sumunod na araw ay nagpahinga kaming dalawa. Hindi muna kami nagkita dahil busy kami both sa mga paper works sa shop namin.

Siya sa coffee shop niya, ako sa ice cream parlour ko.

---

Tapos ngayon, araw ng huwebes. Napag-usapan namin na doon kami sasamba sa Lokal ng Tugue, dahil nandoon ang bahay ng lolo at lola niya sa Mother side. Diba nga, taga Zambales ang kaniyang Mother.

"Hindi ba tayo male-late?" Tanong ko habang nagddrive siya. At ako, nasa tabi niya.

Inaayos niya ang pagkakatupi ng polo niya. "Hindi naman. Maaga pa."

Sinilip ko ang wristwatch ko and it's 3:30am. 5:45am ang oras ng Pagsamba na hinahabol namin.

Nasa may bandang Masinloc na kami.

Saktong 4 ay nakarating kami sa bahay nila. Malaki ito. Bukas na ang mga ilaw at bukas din ang gate kaya agaran kaming nakapasok.

Natanaw ko mula dito sa loob ng kotse ang dalawang matanda na naka damit na pang samba. Naka-abang sila sa may pintuan. Sila na siguro iyon?

"Sila na iyan." Ani Regan.

Ngumiti ako, "Tara.."

Sabay na kaming bumaba ng sasakyan. Naglakad kami patungo roon ng sabay.

"Good morning po.." bati ko sakanila.

Nakangiti silang inabot ang kamay ko. Nagmano ako sakanila.

"Ikaw pala si Avery.." ani lola.

Ngumiti ako, "opo lola."

"Oh, papasukin mo na siya sa loob."

Syempre, gustong gusto ako ng lola at lolo ni Regan. Sobrang dami nilang naikwento. Pinag-timpla kami ng kape noong katulong nila. At maaga pa naman kaya nakapag-usap pa.

Katabi ko si Regan sa isang sofa, tapos sila, sa isa din magka-akbay.

"Ilang taon ka na nga hija?"

"23 na po lola." Tugon ko.

"Ikaw ba Regan, ilan na?"

Natawa si Regan, "kinakalimutan niyo na lola. 28 na po ang apo ninyo."

"Limang taon din ang gap naming dalawa ni Silvia." Sabi ni lolo.

Oh? "Hindi po halata lolo." Sabi ko.

Totoo naman.

"Parang tayo lang. Hindi halata ang gap. Ano lola at lolo?" Sabay ni Regan.

"Aba syempre. Pogi itong apo ko. Bagay na bagay kayo, Avery.." si lolo.

Alam ko na kung saan niya nakuha ang ka chessy-han niya.

I'm blushing and I can't help it!

Come with me (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon