Chapter 5

183 7 1
                                    

Avery's POV

Salamat naman at hindi ako nanaginip ng masama kagabi. Kaya naman maaga ang gising ko.

Nakapag almusal ako bago kami papasok. Bihira lang to, dahil madalas late akong magising kaya diretso ligo na ako pagbangon.

"Dali mo avery!" Rinig kong sabi ni kiera mula sa labas ng banyo.

Nagbanlaw na ako "Opo! Wait lang.."

Pakanta-kanta pa nga ako paglabas ng CR. I'm in a good mood. Dahil nga may pasok na. Which means, MAKIKITA KO NA ULIT SI SIR REGAN!

"Ganda ng gising natin girl ah?" Ani janna pagkapasok ko sa kwarto. Nagbibihis na rin siya.

"Oo nga eh. Excited akong pumasok girl!"

At yun nga, maaga kaming pumasok tatlo. Nakasabay naman namin si marah na kabababa ng bus kasabay si majo.

Maaga kami kaya naman ni review ko ang notes ko pagkaupo. Dahil baka mag tanong nanaman si sir.

Ya know, I want to attract him.

Nagchichika chika lang kami. Si marah nai-kwento niya na bumalik na yung kababata niya. Besties na sila ulit.

"Nandyan na si sir!" Rinig kong sabi ng ilan kong kaklase na kapapasok lang. Siguro ay nakita nila siya papunta rito.

Umayos kami ng upo. At gaya ng dati, umupo ako sa dulo. Kung san ko nakatabi si sir nung isang araw.

"Good morning class.." bati si sir, with smiling face. Bitbit niya ang ilang libro at syempre.. ang kaniyang bottled water.

"Good morning sir!" Masiglang bati ng mga kaklase ko. Kasabay ko.

Umupo si sir sa may table sa harap at nag check ng attendance. Kita ko ang kaniyang kaayusan niya sa pagsasalita.

Ilang taon nga siya? 24 o 25? He's on his legal age. May girlfriend na kaya siya?

"Ms. Montalla?"

"Present!" Si kiera ang sumagot.

Ano ba yan! Kung ano ano ang iniisip ko. Tuloy, chance na nga yun para mapansin ni sir.

"Ba't tulala ka? Iniisip mo si kuya fal?"

"Sshh.." sabi ko sabay lingon sa likod. Narinig yata siya nung mga nandun.

"Eh kasi.." pangangatwiran niya.

Sinamaan ko siya ng tingin at nginuso ang likod.

Na gets naman niya.

Jusq! Yung mga tsismosa pa naman to sa klase!

"Okay sino ang reporter natin for today?" Tanong ni sir. Naagaw niya ang aming atensyon.

Tumayo naman si kuya nathan, "sir, ako po.."

"Ah okay, nathan. Iayos mo na ang visual aids mo."

Ganon nga ang ginawa ni kuya nathan. Ako pala wala pa akong report na natanggap.

I will consult him nalang mamaya.

"Okay guys.. listen ha?" Ani sir.

Come with me (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon