Chapter 24

165 8 13
                                    

Avery's POV

"🎵Beautiful liiiifeee🎵.." Kanta ni Maggie.

Back to normal life again. Nandito ako sa bahay. Kagigising ko lang.

"Panaginip ba yung kagabi Maggie?" Tanong ko. Nakaupo siya sa kama ko. At ako naman, nakahiga pa.

"Alin?"

"Yung may Alumni kami?"

"Ano ka ba girl.. hindi. Tignan mo nga iyang gown mo oh!" Itinuro niya yung basket ng labahin ko, at naroon ang silver kong gown.

Hinawakan ko ang ulo ko. Hinihilot ko ang noo ko.

"Nalasing ka ba?" Tanong niya.

"Ano ka ba, hindi ako uminom."

"Eh ba't bangag ka?"

"Mag, Ano yung kinakanta mo kanina?"

Naka sando siyang puti tapos pajama. Kagigising din nito siguro.

"Beautiful life. Sa goblin iyon."

"Goblin?"

"Kdrama iyon girl!" Sabi niya.

Tumango-tango ako. "Anong oras ako umuwi kagabi?"

"I guess 1am? Kasi patay pa ilaw mo ng 12:30 then nung sinilip ko bahay mo bandang 1 eh bukas na."

"Totoo din ba.. na yung nakatira sa tabi ko ay si Sir Regan?"

"WHAT?!"

Nagtalukbong ako dahil kinikilig ako!!

Naalala ko na ang lahat.

---

FLASHBACK

After ng kiss na iyon, nagtawanan kami. Para bang antagal na naming magkakilala. Parang ang tagal na naming may relasyon. Kasi walang hiyaan. Nakakakaba pero ang kumportable.

"Uuwi ka na ba?" Tanong ni Regan.

Oh my.. kinikilig ako. First name na ba talaga niya ang itatawag ko sakaniya from now on? As in R.E.G.A.N?

"Hindi po. Kukunin ko lang yung phone ko."

Tumingin siya sa baba at pinulot yung nalaglag kong phone.

"Tara?" Tanong niya.

"Saan?"

Hinila niya ako papunta sa gymnasium. So is he really going to take me there?

Hawak niya ang wrist ko habang papasok kami.

Pagpasok sa gym ay busy ang iba magkuwentuhan. May nagkakainan. Nag iinuman. May nagsasayawan. Rock music kasi. So, disco disco na.

Walang tao sa table namin. Dahil panigurado nandoon sa dance floor yung mga kaibigan ko.

"Ipapaalam lang sana kita sa mga kaibigan mo.." sabi niya.

Tinignan ko siya. "Bakit?"

"Ihahatid na kita sa inyo."

"We'll just text them." Sabi ko.

Kaya naman naglakad na kami pabalik sa labas.

Come with me (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon