Chapter 22

164 7 3
                                    

Avery's POV

Ilang buwan pa ang lumipas at hanggang sa umabot na sa anim na buwan.

"Congratulations Avery!"

Iyan ang salubong sa akin ni marah, kasama si ate freilla sa labas ng kapilya.

Bautisado na ako! Isa na akong ganap na Iglesia Ni Cristo.

Praise God!! I praise you God!!✨💕

Iba ang pakiramdam ko! It's like I'm being reborn. Nailibing na ang mga kasalanan ko sa tubig kaya naman mula ngayon ay babaguhin ko na ang buhay ko. Gagawa na ako nang naaayon sa kalooban ng Diyos.

Roma 6:3
O hindi baga ninyo nalalaman na tayong lahat ng mga nabautismuhan kay Cristo Jesus ay nangabautismuhan sa kaniyang kamatayan?

So, hindi lahat ng tao ay tinubos ni Cristo. Kundi ang lahat lang ng mga nabautismuhan. Lahat ng tao ay isinumpa ng Diyos bago pa man sila ipanganak. Ang patutunguhan nila ay kamatayan, kamatayan sa dagat-dagatang apoy or sa impyerno.

Kaya may isang kawan kung nasaan ang mga ililigtas. (GAWA20:28)

Ano ang kawan? (ROMA16:16)

At ang mga nabautismuhan ay dapat magbagong buhay. Kung dati ay nabubuhay sa likong paraan, dapat itong Iwan.

Roma 6:4
Tayo nga'y nangalibing na kalakip niya sa pamamagitan ng bautismo sa kamatayan; na kung paanong si Cristo ay mabuhay na maguli sa mga patay sa pamamagitan ng kaluwalhatuan ng Ama, ay gayon din naman tayo'y makalakad sa panibagong buhay.

Thank you sa mga taong pilit akong inanyayahan. Hanggang sa mapakinggan ko ang tunay na mga aral.

And higit sa lahat, salamat sa Diyos dahil pinahintulutan niyang makarating ako sa katotohan.

Patunay nga, ako'y nakaabot dito. Sa bautismo.

Marcos 16:15-16

15At sinabi niya sa kanila, Magsiyaon kayo sa buong sanlibutan, at inyong ipangaral ang evanghelio sa lahat ng kinapal.

16Ang sumasampalataya at mabautismuhan ay maliligtas; datapuwa't ang hindi sumasampalataya ay parurusahan.

Mayroon kasing mga Nakaabot sa bautismo pero hindi naman sumampalataya. Nagpadaig sa kung anong mga problema at pag-uusig, kaya hindi nakapagpatuloy.

Pero ako, nangangako akong MANANATILING MATATAG HANGGANG SA DAKO PAROON NG AKING BUHAY.

Matteo 24:13
Datapuwa't ang magtiis hanggang sa wakas ay siyang maliligtas.

I can't believe na kung dati wala akong gustong anibang anomang sekta, ngayon ako'y kaanib na sa Iglesia.

The mysterious church. Yung akala ko noon, isang relihiyon na walang kalayaan. Yun pala ay nililimita ka lang. Dahil hindi nila kayang pahintulutan na mahulog ka sa kasalanan.

Come with me (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon