Chapter 19

216 9 1
                                    

A/N

To all non-INC readers,

SA MGA HULING PARTE NITONG CHAPTER AY KAKAILANGANIN NINYONG MAGBUKLAT NG BIBLIYA. DAHIL YUNG MGA VERSES NA MABABASA NINYO ARE NOT BASED ON AUTHOR'S PERSPECTIVE, BUT BASED ON THE BIBLE.

Check it yourself🤙

Kamsaheyoo😘

--

Avery's POV

"Ma'am?" May kumakatok mula sa labas ng office ko.

"Yes?" Tugon ko.

"Ma'am, may naghahanap po sa inyo. Falcrise Dela Griego daw po." Sumilip siya sa door. It's jenna, one of my employee.

"Oh? Bring him in." Utos ko.

"Sige po ma'am." Aniya.

Nginitian ko siya. "Okay.."

Ibinaba ko muna ang mga mga papers na binabasa ko. At ibinalik sa envelope nito.

First time may bumisita ditong big time mula noong natapos ang opening ah?

Maya-maya ay may naririnig nanaman akong kumakatok. It's probably him.

"Come in.." sabi ko.

Bumukas ang pinto at ang una kong nakita ay ang bouquet of white roses na hawak hawak niya.

"Hello Ma'am." Sabi niya na natatawa.

Natawa din tuloy ako. "Oh? May pa flowers ka pa ha!"

"Of course. I want to congratulate you.. with flowers." Inabot niya ito sa akin.

"Have a seat." Nginuso ko ang sofa na mahaba. Sabay amoy dito sa bigay niya.

"Dumaan lang ako para naman mabisita ko ito. Hindi ako nakapunta nung opening dahil busy sa school."

I nodded. Umupo naman ako sa single sofa kaya magkaharap kami.

Pumasok ang isang empleyado ko para bigyan kami ng coffee at cake.

Umalis din siya agad.

"Kamusta naman ang sales?" Tanong niya.

"Syempre hindi ko pa nababawi yung gastos. Still the cost is higher than profit."

"Ganyan talaga. Your business is still on its introductory stage."

"Haha oo."

Madami pa kaming napagusapan sa loob ng halos isang oras niyang pag stay dito. Naikwento din niya na si Lucila Ferrer ay maagang nag-asawa pero hindi ito si greg. Gosh! Last year lang daw sila nagsama and she already has a 2years old baby na.

Hayaan na natin.

Si greg naman, wala daw balita sakaniya. Sana lang maayos siya. At makakilala siya ng mas matino para magbago siya.

Come with me (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon