Chapter 14

195 8 12
                                    

Avery's POV


Inihatid ako ni sir regan sa boarding house. Nakakapagod ngayong araw ha! Pero okay lang.. atleast.. tapos na.

"So, happy ka na?" Tanong ni sir regan, bumaba din siya sa sasakyan paghinto sa may gate.

Nakangiti akong sumagot "Yes sir, thanks! Ahm.. For being always there..."

Ngumiti din siya. Matagal kaming nanatiling nakatayo at nakangiti sa isa't isa.


"Avery Gail Montalla!"


Kaparehas ng boses ni mama. Omg! Nilingon ko ito. And to my surprise...

"Tita Amanda!!!!"

Beside her is Mister Yu! Her buttler. Hala!

"Tita, why are you here?"

Si tita nanatiling nakatayo, her eyes are directly on me. Nakakatakot talaga ito sa personal.

"Isasama na kita sa japan" Aniya. Madiin.

"T-tita..."

"Nakuha na namin ang mga mahahalagang gamit mo."

"But t-tita.. yung pag-aaral ko po.."

"You finished your semester. Dun mo nalang ituloy sa japan ang kurso mo. And yung gusot sa school mo, I sent some experts there to clear everything."

"Po?!"

"Tita.."

"Ikaw nalang ang natitirang ala-ala sa akin ng kapatid ko. Hindi kita pababayaan."

Nang mapagod akong magsalita. Yumuko lang ako. "I'm sorry tita." Oo, siya ang sumusuporta sa akin mula nung nawala sila. Kaya malaki ang utang na loob ko sakanila.

"Who is he?" Tanong ni tita nang makita si sir.

"A-ah.." ibubuka ko palang ang bibig ko ay pinutol na ni sir.

"I'm regan. Her college professor po---" magalang niya sanang sabi but Tita interrupted him.

"Soooo, professor ka niya? Then, dapat responsibilidad niyo ang student ninyo! How come na hinayaan ninyong mangyari ito?"

"T-tita.."

"Her face is all over the internet. And yet, your school is still on its peak huh? Wait and you'll see..."

"Sorry po." Sagot ni sir.

What? Bakit siya nagsosorry ngayon?
He did everything. He never leave my side.

"Nagkulang po kami. Sorry po.." mapagkumbaba niyang sagot.

"Sir.. wala kang ginawang masama." Mahina at magalang kong salita.

Wag si sir tita.

"Let's go Avery.. Mr. yu! Ipasok mo na siya sa sasakyan."

Nauna na si tita sa pick up then ako naman lumapit sa nakayukong si sir.

"Sir, I'm sorry.."

Come with me (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon