Prologue

4.3K 76 5
                                    

Prologue

"Nooo !!!!" Sigaw ko at pilit na kumakawala sa mahikang nakapalibot sa aking katawan.

"Hindi mo na makikita ang iyong ina sapagkat papahirapan ko muna ito ! Bwhahahahaha !" Saad ng lalaki na gumapos kay mom

"Wag nyong itutuloy ang binabalak nyo kung ayaw nyong patayin ko kayong lahat !!!" Pag babanta ko .

"Anak please ! Help me ! Hindi ko na kaya ! " pag hihingi ng tulong ni mom saakin.

" bwhahahahaha ! Rinig mo iyon ? Humihingi na ng tulong ang iyong ina ! Patawad sapagkat hanggang dito nalang ang kaniyang buhay !!!" Saad muli ng lalaking gumapos kay mom

Hindi ko na mapigilan ang aking sarili lumalabas na ang itim na salamangka sa aking katawan.

Ramdam kong nag kukulimlim na ang langit kasabay nito ang malakas na kulog at kidlat.

Hindi ko na alam ang aking gagawin mas mabuti nalang kung hahayaan kong kontrolin muna ng aking itim na mahika itong aking katawan.

Maya maya ay iniangat ko na ang aking ulo at tinitigan ang lalakeng gumapos at nag papahirap kay mom habang si ate kimiel naman ay abalang hanapin ang kung sino mang leader ng mga mala demonyong tauhan na ito.

Biglang nawasak ang salamangkang kanina ay nakapalibot sa aking katawan.

Iniangat ko ang aking kanang  kamay upang kunin at higupin ang kidlat at itinutok sa lalaking gumapos kay mom.

Nabitawan ng lalaki si mom at bigla itong nakoryente.

Iniangat ko naman ang aking kaliwang kamay at ibinuka ito .

May inilabas akong mga itim na usok mula sa aking palad at itinapat ang aking palad sa lalaking ngayon ay nahihirapan na dahil sa kuryenteng dumadaloy sa kayang katawan

Biglang umangat ang ulo ng lalake at bumuka ang kaniyang bibig sapat na iyon upang makapasok ang itim na usok sa kaniyang katawan

Mga ilang segundo pa ang limipas ay biglang napayuko ang lalaki maya maya pa ay iniangat na rin nito ang kaniyang ulo .

Iba na ang kanyang itsura kesa kanina na ngayon ay napalibutan na ng mga itim ang kaniyang mga mata at ang kanyang katawan ay wala ng buhay.

Hawak ko na ngayon ang kaniyang kaluluwa na aking kinuha mula sa kaniya .

Ng matapos na ako sa kaniya ay tinulungan ko naman ang iba kong kasama.

Iniligtas na ren nila marky si mom at dinala ito sa secret base .

Magical AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon