Chapter 14: Confuse

1.1K 33 0
                                    

Hershy's P.O.V

P-paano sya nakapasok dito ?? Imposible kung isa syang normal na tao dapat hindi sya nakakapasok dito dahil sa pag kakaalam ko hindi pwede at ni isang nilalang na tao ay walang nakakaalam tungkol sa paaralan nato.

Pero papaano ? Hindi kaya....... Hindi kaya kamag anak nya ang headmaster ?? Pero imposible walang kamag anak ang headmaster na tulad nyang isang ordinaryong tao.

Kaya pala nakikita ko sa kanya simula palang na walang syang alam at hindi - arrrrgggggg !!!!

Kainis naguguluhan na ako ! Pero kung isa syang ordinaryong tao nung araw na nag away sila ni elaisa may isang napaka lakas na mahika ang lumabas sa kanyang katawan ang itim na mahika at bihira lang ang studyanteng mag karoon ng ganong kalakas na itim na mahika at ang studyanteng yun ay si brixiel at sya pero bakit wala syang alam ? Parang hindi nya alam kung sino sya .

Tama ! Sino nga ba sya ?? At ano ba tlga ang tunay nyang ugali ?? Nag iiba ang pakiramdam ko kapag nakikita ko sya lalo na at parang namumukhaan ko sya pero hindi ko alam kung san at kelan ko sya nakita ?

Kasalukuyang naka pout parin ang kaniyang mukha na animoy nawiwierduhan.

Haysss bahala na baka mabaliw pa ako kakaisip dito at masiraan na ko ng bait.

Binigyan ko ito ng pilit na ngiti at hinawakan ang kaniyang kamay.

"Tara it's all ready 7:00 pm na pala uwian na at delikado kung mag tatagal pa tayo sa labas" saad ko sabay higit sa kanya palabas ng cr.

Tumatakbo kami ngayon patungo sa aming kwaderno upang kunin ang aming gamit dahil isasarado na un ng janitor.

Kaya nag mamadali kami ngayon.

"M-may hindi ka pa ba nalalaman na rules dito sa magical academy ??" Pasigaw kong tanong sa kanya habang patuloy parin sa pag takbo.

Ibinaling ko muna ang aking tingin kay kiela na seryosong naka tingin sa daan .

Grabe pamiliar talaga ang mukha nya .

Ibinalik ko na ang aking tingin sa aming dinadaanan halos konting ilaw nalang ang naka bukas kaya medyo madilim ang dinadaanan namin kaya delikado.

"Sabihin mo nalang saakin ang iba pang rules dito sa academy bukas" pasigaw nitong sagot.

"Ok sige" yan na lamang ang aking nasagot.

Nakikita ko na mula rito ang room namin at andun na ang janitor mukhang isasarado na nya ang pinto.

"Tara bilisan pa natin isasarado na ng janitor ang pinto!" Sigaw ko at mas binilisan pa namin ang pag takbo.

"Teka ! Manong janitor wag mo po munag isasarado !!!" Sigaw ko sabay mabilis na lumapit sa kanya.

Lumingon ito saamin at bakas sa kaniyang mukha ang pag ka gulat at pagka taka.

Pagod na pagod at nag hahabol kami ng hininga ng makarating sa harap ng room namin. 

Medyo malayo kasi ang cr ng girls and boys dito kaya mga ilang oras mo pa iyon lalakarin.

"Oh bakit andito pa kayo ? Diba dapat sa ganitong oras nasa dorm na kayo ? Bakit nandito pa kayo sa labas anong ginagawa nyo ??" Pag aalalang tanong saamin ng janitor.

"K-kasi p-po u-ung g-gamit po namin n-nasa loob" hingal na hingal kong saad.

"Ahh ok sige kukunin ko lang saglit" saad ng janitor at binuksan ang pinto ng aming kuwaderno at tuluyang pumasok.

Napangiti naman ako at hindi lang ako kundi si kiela rin dahil naabutan namin ang janitor.

Maya maya pa'y lumabas na ang janitor sa room namin bit bit ang aming mga gamit.

Agad naman namin iyong kinuha at nag pasalamat.

"Walang ano man ! Atsaka bakit pala nasa labas kayo ? San kayo galing kanina?" Tanong muli saamin ng janitor.

"Ahh ehh galing po kasi kami sa cr sinamahan nya po ako siguro po natagalan kami at di rin po namin napansin ang oras" pag papaliwanag ni kiela sabay himas sa kaniyang braso.

"Ahhh ok sige mag aalas otso na pumasok na kayo sa dorm ninyo at delikado na ang ganitong oras dapat wala ng estudyanteng nasa labas pag dating ng alas otso." Babala saamin ng janitor.

"Opo thankyou po ulit" sabay naming saad ni kiela at tuluyan ng tumakbo patungo sa aming dorm.

Magical AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon