Chapter 10: Who Are You ???

1.2K 42 0
                                    

Kiela's P.O.V

Dahan dahan kong inimulat ang aking mga mata at inilibot ang aking mata sa mga paligid.

"A-asan ako ? Anong nangyari ? " saad ko at pilit na tumayo ngunit...

"A-aray !! ang sakit ng ulo ko " saad ko pa at hinawakan ang aking ulo at dahan dahang bumangon at umupo sa kama na hinihigaan ko.

Inilibot ko muli ang aking mata sa mga paligid upang malaman kung nasaan nga ba ako 

T-teka dorm ba to ? Bakit may mga pic ko agad ? 

"Dorm ko ba to ?? " gulat kong saad sabay ngiti ng bahagya.

"Srsly ?! Ang ganda ng kwarto kooo !!! *__* kulay black ang ding ding pati kabinet kulay black tas ung kama black and white !! Yieeeee !! Mah piburit kulur !! *_*"

Grabe ! Pano nila nalaman ung fav. Color ko ?? 

Bigla kong itinumba ang aking katawan sa malambot kong kama

At iwinagaspas ang aking dalawang braso sa higaan.

Ang lamboot !!! ^__^ pero teka nakakapag taka.

"Pano nga pala ako napunta sa dorm ko ?? Ano un nag teleport ? " tanong ko sa sarili ko sabay kunot ang noo.

Bigla akong tumayo sa aking higaan at dali daling lumabas ng kwarto ko ...

Naka bukas ang tv sa sala , sinong nag bukas ? 

Dali dali rin akong pumunta sa kusina upang masilip kung may tao pa ba dito sa dorm ko.

Wala ren ?! Eh sa sa cr ?? Agad akong nag tungo sa cr at kinatok ang pintuan ngunit wala ni isang boses ang sumagot.

Bumalik ako muli sa tapat ng aking kwarto at nag isip isip.

May napansin akong isang pintuan sa tabi ng aking kwarto 

"Teka ? Isa pang kwarto ?! Pero ..." Saad ko 

Naalala ko sabi pala ni mom at tita jane may isang tao akong makakasama dito sa dorm pero nakalimutan ko na kung sino at anong name nya di ko pa sya nakikita .

Lumapit ako sa pinto ng isa pang kwarto at dahan dahang ipinihit ang doorknob at sinilip kung may tao pa ba o wala

"Walang tao ?!" Saad ko at tuluyan na ngang binuksan ang pinto .

"Shit ang ganda ng kwarto na to ! Full of dark color ! *_* kaninong kwarto to ?! Palit nalang kami !!! Hihihihi " saad ko 

Nakakainggit !! Pumasok ako sa loob nito at tiningnan ang mga nasa loob nito.

"Wala naman ung may ari nito kaya pwede ko naman sigurong pasukin at tignan ang kwarto nya ganda kasi eh hahaha " saad ko at muling sinusulyapan ang mga paligid

Shit ang laki at ang gaganda ng mga gamit !! 

"Anong ginagawa mo jan ?! "

Halos mapatalon ako sa gulat ng may mag salita mula sa pinto.

Agad kong nilingon ang taong nag salita mula sa pinto at.... At si ipis lang pala yun ! 

"Ano ba ! Bakit ba lagi mo nalang ako ginugulat ! At lagi ka nalang sumusulpot ng hindi ko man lang nararamdaman or nakikita ?! Multo ka ba ? May pawers ka ba ? " sunod sunod kong tanong habang nakahawak sa dib dib.

Grabe nagulat tlga ako nun akala ko minumulto ako ng butiki ! 

Atsaka ano yang dala nya ? Dalawang malaking sapot ng plastick at anong ung laman non ? Sa tingin ko pagkain un.

Sakto ! Gutom na kasi ako eh kanina pa ako hindi kumakain.

"Wag mong titigan tong dala ko baka mamaya wala na tayong makain neto." Saad nung ipis na yun at tinalikuran na ako nito at nag lakad na papunta sa kusina.

"Tch. Edi wow ! Ubusin ko lahat yan eh di kita tirhan jan kala mo ah ! " bulong ko at muling lumabas na sa kwarto ng hindi ko kilala ung may ari hahaha.

~fast forward~

"Mmmmmm.... Ang sharap ng phagkain" saad ko habang hinihigop ang noodles 

Yieeee !! Dami nyang dalang pagkain !!!! ^__^ charap ! 

"Ayy oniwaysh.." Saad ko at linunok muna ang noodles bago tuluyang nag salita.

"Kilala mo ba kung sino ang may ari ng kwarto na pinasukan ko kanina ? Ang ganda kasi eh " saad ko at kumuha ng sushi sabay subo

At hinihigop ang sabaw ng noodles.

"Saken bakit ?" Saad ni ipis.

Bigla akong nabulunan at naubo kaya hindi ko sadyang mabuga sa kanya ang nainom kong sabaw.

"S-sorry d-di ko sinasadya" pag papatawad ko sabay kuha ng tissue at pinunasan ang kaniyang mukha.

Magical AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon