Chapter 7: FIRST MEET

1.2K 42 0
                                    

Kiela's P.O.V

Nandito ako ngayon sa room na bobored .

Nag tuturo sa harap si ma'am tas heto ako nakatitig sa labas nag iisip at nag tatanong kung sino ung the dark prince na un .

Nagulat ako ng bigla akong siniko ni ridelyn kaya agad akong napaharap sa kanya.

"Why ? " bulong kong tanong .

Tinuro nya ang nasa harap nya gamit ang kaniyang nguso .

Tumingin naman ako sa harap at nanlaki ang mga mata ko ng lahat sila nakatingin saakin pati na si ma'am na naka cross arms at nakataas ang isang kilay.

"Sino naman ang iniisip mo ms. Silvester ? " medyo masungit na saad ni ma'am.

"Inaantay nya pong dumating ang kapalaran nya ma'am santos" pag sisingit si elaisa maharot

Biglang nag sitawanan ang lahat ng mga classmate ko maliban lang kay ridelyn na iniirapan si elaisa.

"Ahh ehhh w-wala po m-ma'am nahihilo lang po kasi ako kaya po napatitig ako sa labas kasi po feeling ko umiikot ung paligid " pag sisinungaling ko .

Biglang natahimik ang paligid at ang mahinang nakakalokong tawa lang ni ridelyn ang aking naririnig.

Hahahaha see ? Galing ko mag palusot noh ? At ang galing ko ren umacting ! So ! Bagay tlga ako maging artita *_* 

" talaga ba ? Ihahatid ka pa ba sa clinic oh hindi na ? Kaya mo pa ba ? Sabihin mo lang pag masakit ang ulo mo para magamot ka agad " pag aalalang saad ni ma'am .

Haysss ! Epective !! So ang galing ko dahil napaniwala ko si ma'am  hahaha so mga bes ganto lang mag palusot easy ! Para di ka mapahiya or mapagalitan hahaha 

"Ahh ma'am sa clinic nalang po ako mag papahinga kasi di ko na po talaga kaya " pag sisinungaling ko at may pahawak sa ulo pose !!  kunyari masakit ang ulo hahaha

"Ok sige ms. Silvester mag pahatid ka nalang " saad ni ma'am mag sasalita pa sana sya pero bigla akong nag salita.

"Ahh ma'am ako na po kaya ko naman pong pumunta mag isa sa clinic baka po kasi ma storbo ko pa kung sino man ung sasama saakin sa clinic " saad ko

"Ahh ok sige sigurado ka ? Baka himatayin ka sa daan ? " pag aalala ni ma'am 

"Ok lang po ako ma'am kaya ko na po " saad ko at tumayo na at tuluyang lumabas ng room.

Dahan dahan muna akong nag lakad palayo sa room na kunyari ay may sakit.

Ng makalabas na ako sa room ay bigla na lamang ako ngumiti at mabilis na nag lakad lakad.

Teka ? San nga ba ako pupunta ? Hmmp ! Ayoko sa clinic ? Aha !! Gagala nalang ako !! Tama ! Gagala !!

Whooo yesss !!! Ang sarap gumala hahaha gagala lang naman tlga ang balak ko gusto ko kasing malibot ang Magical academy para makabisado ko na ang mga daan dito at syempre gusto kong makilala ang dark prince na un hihihihi.

Patalon talon ako habang nag lalakad na parang masayang bata.

Tumitingin tingin ako sa paligid habang nag lalakad na parang masayang bata.

May mga estudyanteng tinitingnan ako mula sa kanilang room hahahaha nawiwierduhan ata sila ?

Pssh ! Mga masyadong masipag ! Masyado namang seryoso ung mga estudyante dito .

Tumingin naman ako sa may labas .

"Ang ganda naman ng mga view dito sa Magical Academy ! ^__^" saad ko.

Nagulat ako ng biglang may bumangga saakin at malakas den akong napabagsak sa lupa

"A-araaayyyy !!!!! " sigaw ko ng mapa upo ako sa sahig at nakahawak sa ulo .

Medyo nahilo ako nung time na ang lakas ng pagkatumba ko.

"Di ka kasi tumitingin sa daan " saad ng isang boses sa harapan ko .

Iniangat ko ang aking ulo at nag reklamo sa nakabangga saakin .

"Abat ako pa tlga ang ma-" napahinto ako sa pag sasalita ng makita kung sino ang nasa harapan ko .

Nanlaki ang mga mata ko ng makita kung sino ang nasa harapan ko.

Sheeemsss !! Sya ung lalakeng nakita ko nung unang punta ko palang dito sa magical academy ahh ??

Magical AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon