Chapter 25: History of magical academy

1K 32 0
                                    

Kiela's P.O.V

"Ashan no koyo shila rei ? -.-" saad ko sa sarili habang ngumunguya ng humburger

Nasa caffeteria ako ngayon at medyo marami ang nabili kong pagkain , pake nyo eh sa gutom na gutom ako eh

Dito muna ako tutal wala pa namang mga estudyante dito eh mamaya pa ang lunch break nila hihihhi ^__^

Kain lang ako ng kain ng mga pagkain hanggang sa may biglang humawak sa aking balikat mula sa likuran dahilan ng pagka bulunan ko.

*huk*

Bigla na lamang akong tumayo sa kinauupuan ko at humarap sa taong nasa likuran ko

"Heyy ano b-"

Napa hinto na lamang ako sa pag sasalita ng makita ang taong kaharap ko na ngayon.

0_0  yare .

Hershy's P.O.V

Kasalukuyan parin kaming nag hahanap ng history dito sa malaking libro na hawak ko

Dati pala itong public na paaralan mukha pala itong maayos at mukha ring normal ang mga estudyante noon ang dating may hawak noon dito sa magical academy ay ang mag asawang Santiago  at ang dating pangalan ng academy na to ay THE LOSS OF POWERS (TLOP).

Asan na kaya sila ? Anong nangyari sa dating magical academy.

lipat parin ako ng lipat ng pahina nitong libro hanggang sa napahinto ako sa isang pahina na may nakaipit na picture.

Tiningnan ko muna si rei na nakakunot noong tinititigan ang picture

" a classpicture ?" Pag tataka nito.

Ibinaling ko muli ang aking tingin sa picture na nakaipit sa libro.

Kinuha ko ang pic at tinitigan ang mga taong naroroon.

0_0

Ito pala ang dating mga estudyante at kasama rito ang dalawang mag asawa na santiago pero may isang mukha na burado ? Parang sinadya

Nagulat na lamang kami ng biglang pumasok dito sa library ang maraming estudyante.

Mabilis kong sinarado ang libro at itinago ang picture sa bulsa ko pagkatapos ay ibinalik na namin ang libro sa bookshlef

"Muntikan na tayo" saad ni rei kaya medyo lumuwag narin ang pakiramdam ko.

"Tara umalis na muna tayo dito bukas na naten ulit tingnan ang libro pag walang tao." Saad ko at hinatak na si rei palabas ng library.

Someone's P.O.V

"Tch. Mga pakialamera talaga ! Akala nyo ba makukuha nyo ang pakay nyo ? Na ngayong hawak ko ang pakay nyo ? Bwhahahahahahaha manigas kayo !! Mag pakapagod kayo na hanapin ang pakay nyo hanggang sa mag sawa kayo ! Bwhahahahahaha !! "

Tingnan naten kung mag tatagumpay kayo

Napa lingon naman ako sa taong humawak sa balikat ko.

"Anong ginagawa mo diyan ? Pinapatawag daw tayo ni prof tara na " saad nito at tuluyan ng umalis.

Bago pa man ako umalis ay tiningnan ko muna ang dalawang bruha na masayang nag kukuwentuhan habang nag lalakad.

Tch. Hindi kayo mananalo .

At tuluyan na akong umalis.

Kiela's P.O.V

Napalunok na lamang ako ng makita ko si brixiel na nakatayo sa harapan ko at hindi maipinta ang pagmumukha.

"San ka pumunta ?" Seryoso nitong saad

Wala paring imosyon ang kaniyang mukha

Haysss bat ba kasi napaka misterioso nitong taong to ??

Napakamot na lamang ako sa ulo at hindi sya magawang titigan .

"Ah... Eh... Sa b-" natigilan na lamang ako sa pag sasalita ng bigla nya akong hitakin palabas ng caffeteria .

"Heeeyyy ! Ano ba ! Let me go !! Ung mga pagkain ko sayang kung iiwan ko lang ron ! "  saad ko at pilit na inaalis ang aking kamay sa pagkakahawak ni brixiel.

Hindi ko matanggal ang aking kamay dahil mas lalong humigpit ang pagkalahawak nya.

Aist !! yare na tuloy ako neto !! Dapat pala umuwi nalang ako sa dorm nila rei at dun nalang kinain ung mga binili ko

Napahinto na lamang kami sa paglalakad ng makasalubong namin ang dalawang kinaiinisan ko.

"Hey brix !!  "  saad ni azkiel kay brixiel at kumaway.

Nagulat na lamang ako ng bigla silang tumingin saakin kaya napaiwas na lamang ako ng tingin dahil nga sa nahihiya ako.

"Oh ! Kasama mo pala si kiela ! " masayang saad ni marky.

"Oh hi kiela" masayang saad naman ni azkiel at kumaway ulit.

Napailing na lamang ako sa dalawa.

"Hayst ! Sungit talaga" saad ni azkiel

"Anyways san kayo pupunta kiela ?" Saad ni marky at tumingin muli saakin kaya napa iwas nanaman ako ng tingin

Hayst ! Nakakaurat na ah ! Tingin ng tingin nakakainis !!

Hindi na lamang sumagot si brixiel at nag simula muli mag lakad.

"Yare na galit nanaman sya hayst ! Kawawa naman si kiela" saad ni azkiel kaya kinabahan ako lalo

Ano ba kasing gagawin nitong lalaking to saken ?! San nya ba ako dadalhin ?! T___T natatakot na ako sa kanya !

Magical AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon