Hershy's P.O.V
"Be ! San pupunta si kiela ??" Pag aalala ni ridelyn.
"Ewan ko ? Bigla nalang syang nag walk out ng walang dahilan " sagot ko
"Ano kayang nangyari dun ?" Tanong ni ridelyn habang nakatingin sa pinto.
Bigla na lamang ako napatingin kay fiona na hinaharot nanaman si brixiel .
Si brixiel naman ay inis na nilalayo si fiona sa kaniya.
Bigla na lamang ako napangisi at may pumasok sa aking isipan.
"Kaya naman pala..." Saad ko habang nakangisi at nakatitig sa kinaroroonan nina fiona at brixiel.
"Huh ?? Bakit ? " pag tataka ni ridelyn at tiningnan ni ridelyn ang isang direction kung saan ako nakatingin.
"Ahh ! Kaya naman pala eh ! " sigaw ni ridelyn sa room.
Biglang nabalin saaming direction ang lahat ng mga classmate namin pati na rin si ma'am esteves.
"Kaya naman pala umalis kasi may nakita syang hindi maganda !!" Pag paparinig ko sabay tingin sa pintuan.
"Sa susunod kasi wag mag papahalata ! Wag mag papakita ! Masyado kasing kadiri lalo na't nasa public place pa !!" Pag paparinig rin ni ridelyn at alam kong nakatingin din ito sa labas.
"Ms. Solferon and ms. Lecantus what are you talking about ??" Pag tataka ni ma'am.
Tiningnan ko ng maangas si fiona na masamang nakatitig sa aming direction habang nakayakap parin sa braso ni brixiel.
At si brixiel naman ay malamig na tingin ang ibinigay saamin.
"Ma'am esteves sa susunod po na may pinatalsik na dito sa M.A. ( magical academy ) dapat hindi na ipinapahintulot na bumalik !" Maangas kong saad sabay irap kay fiona.
"Tara na ridelyn ! At baka may mapatay pa ako dito sa loob ng room" saad ko at hinila na si ridelyn palabas ng classroom.
Brixiel's P.O.V
Hindi ko alam kung anong nangyayari sa kanila , bakit sila nag si walk out ?
Tiningnan ko si fiona na nanlilisik ang mga mata na nakatitig sa pintuan.
Ramdam ko ang pagkagalit nito dahil sa mga parinig na ginawa nila ridelyn at hershy.
"Let me go ! Kung gusto mo pang mabuhay !" Malamig kong saad at tinggal ang pagkakakapit nya sa aking braso.
Ng bumitaw na sya ay agad akong tumayo at lumabas ng calssroom
Hindi pa ako nakakalabas ng classroom ng biglang mag salita si ma'am esteves.
"Mr. Darkford where are you going ?!" Inis na tanong ni ma'am
"None of your buisness" malamig kong saad habang nakatalikod sa kanila.
Ipinagpatuloy ko na ang pag lalakad pababa ng bldg.
Sumakay ako sa levator at pinindot ang no. 1
Hindi ko alam kung saan ako pupunta , bahala na kung saan ako dalhin ng aking mga paa.
Ang iniisip ko lang ngayon ay tungkol sa pag balik ni fiona.
Simula nung patalsikin sya ni headmaster dahil sa ginawa nyang pag patay sa mga babae at halos iilang babae nalang ang natitira dito naging payapa na ang mga babae , nag laban narin sila ni elaisa ng dahil saakin ngunit pareha silang bigo wala sa kanila ang talo , at ang iniisip ko lang ay ang kalagayan ni kiela , kadormate ko sya at lagi ko na syang kasabay pauwi at papasok , baka isunod na sya ni fiona , si fiona ang dark queen dito at si kevin luxfer naman ang dark prince ngunit mas mataas parin ang aking position dito sa magical academy dahil ako parin ang kanang kamay ni headmaster at ang aking dalawang tauhan ay si marky at si ezkiel minsan ko lang sila pinapatawag o kasama sa tuwing mag lilibot o may ipinapagawa saakin/saamin si headmaster .
Si fiona ang babaeng pumapatay sa kapwa nyang babae , sa tuwing may nakikita syang mga babaeng lumalapit saakin , kumakausap , dumidikit , o kahit na ang mga kagroupings ko ay pinapatay nito. She's a good killer but alam ko ang kaniyang kahinaan she's not a best girl for me ayoko sa kanya at mas lalong ayoko sa pag uugali nya hindi sya ang babaeng hinahanap hanap ko at ang babaeng hinahanap hanap ko ramdam kong andirito na sya ngayon lumalakas na ang tibok ng aking puso.
'Tiiingg'
Maya maya ay huminto na ang elevator at bumukas na ito.
Nag simula na akong maglakad palabas ng bldg. At nag libot libot.
Ipinasok ko ang aking mga kamay sa aking bulsa at nag lakad lakad kung saan saan , hindi ko alam kung saan nga ba ako pupunta .
Hindi ko napansin ng bigla na lamang ako dalhin ng aking nga paa sa garden.
May nakikita akong isang babaeng naka upo sa swing sa ilalim ng puno na tila ba'y parang galit na galit ito.
![](https://img.wattpad.com/cover/132862341-288-k183112.jpg)
BINABASA MO ANG
Magical Academy
FantasyMagical Academy is full of magic . Sa bawat studyante ay may mga mahika . may isang babae na na mas malakas ang mahika at may isang sikreto na hindi nya nalalaman . hindi nya alam ang tunay nyang pagkatao . May isang babae na nangangalang kiela kim...