Chapter 15: I'M back

1.2K 39 0
                                    

Kiela's P.O.V

Kanina pa kami tumatakbo ni hershy patungo sa dorm bldg. hanggang ngayon kinakabahan na ako . ramdam kong may mangyayaring masama mamaya shit !

Medyo madilim na ang mga paligid at konting ilaw nalang ang naka bukas sapat na yon dahil may konting liwanag pa sa aming dinadaanan.

"Nakikita ko na mula rito ang bldg. Tara bilisan pa natin !" Saad ni hershy at mas binilisan pa namin ang pag takbo.

Nakarating kami sa harap ng bldg ng ligtas at ni isang gas gas ay wala .

Hingal na hingal kaming huminto sa harap ng bldg. 

"B-buti nakarating agad t-tayo" hingal na hingal kong saad.

Tiningnan ko ang aking wirst watch at 7:45 na pala !.

"Kiela ! Umakyat na tayo malapit na mag 8 pm delikado na " pag aaya saakin ni hershy.

Biglang may pumasok sa aking isipan na saakin ay nag pabigla.

Om !! Nakalimutan ko kung saan pala dito o banda ang dorm ko hindi ko alam ang daan dun hindi ko kabisado dun nakalimutan ko na kung saang dorm ako dinala ni brixiel ! Naiwan ko ren dun ung list ng dorm ko na ibinigay saakin ni tita jane !! Jusko ! Yari na ako !!! 

"Ahh ehh hershy mauna ka nalang susunod nalang ako ingat ka nalang " saad ko .

Ayokong sabihin sa kaniya na hindi ko alam kung saan ang dorm ko dahil ayokong mapahamak sya ng dahil saakin

"O-ok basta wag kang mag papaabot ng 8 pm ahh ! Sige na bye na ingat ka " pag paalam ni hershy at agad na tumakbo papasok sa dorm bldg.

Shit hindi ko na alam ang gagawin ko mag isa nalang ako dito ! Anu bayan ! Asan si brixiel ?? Hoyyy pipeng ipis ! I need you huhuhu T__T

Inilibot ko ang aking paningin sa mga dorm bldg. Na nakapalibot saakin .

Wala ng masyadong ilaw na naka bukas at ang tanging buwan nalang ang nag bibigay liwanag saakin.

Pinag masdan ko ang mga bldg. Na nakapalibot saakin .

Ang lake at sobrang lapad nito kaya mahirap kabisaduhin o matandaan kung saan ang dorm mo dahil kada floor daw kasi may 150 dorm kaya mahihirapan ka tlga.

Sobrang tahimik ng mga paligid at ang lakas ng tibok ng puso ko lang ang aking naririnig .

Biglang dumaan saakin ang malamig na hangin na nakapag pataas ng lahat ng balahibo sa aking katawan.

Shit kinikilabutan na ako ! Akala ko maganda tong academy na to un para napaka horror nito ! 

Teka ! Parang may napanood ako sa movie na ganto rin ang nangayri !! Tapos bigla daw may monster ang dumating !!! Mama !!!!!! Help me plssss !!!!! T__T ayoko pa pong mamatay !!

Halos mapatalon ako at napatili sa gulat ng biglang may humawak sa aking balikat.

Dahan dahan ko itong hinarap upang malaman kung multo ba ito oh kapre.

"Ikaw ?!" Gulat kong saad.

"Andito ka lang palang pusa ka kanina pa kita hinahanap !" Saad ni brixiel.

Yeah right ! Si brixiel nga ung humawak sa balikat ko -.-

"Ehh pake mo ba ipis ?! " pag susungit ko sabay irap sa kanya.

"Tch. Plsss don't call me of that fvcking ipis !" Gigil nitong saad.

Pinipigilan ko na lamang ang pag tawa dahil ayokong makita nya akong nakangiti ! Letche sya !

"Tara na pumasok na tayo sa dorm natin at konting oras nalang mag e-eight pm na " saad ni ipis.

Bigla nyang hinawakan ang aking kamay at aalis na sana kami ng bigla kaming makarinig ng parang may nahulog metal banda sa aming likuran.

Bigla namin itong hinarap at naging alisto kami para sa susunod na mangyayari.

Biglang tinapat ni brixiel ang kaniyang braso sa aking harapan.

"Stay here" saad ni brixiel .

Aktong mag lalakad na sana sya patungo sa isang direction kung saan nangagaling ang ingay na iyon ng bigla akong nag salita

"No ! Sasama ako !" Pag mamatigas ko.

Inis na humarap saakin si brixiel.

"Haysss... Ang kulit mo tlga ! Bagay nga sayo na pusa ang itawag dahil hindi ka lang maingay kundi makulit karin ! I said stay away ! Pag hindi moko sinunod ako ang papatay sayo " Pag babanta nito saakin.

Subalit nag matigas parin ako hindi ko na ito pinansin pa at binangga ko ito upang mauna ako 

Narinig ko itong napamura ng malutong at ningisian ko lang ito.

Nag madali akong nag lakad patungo sa kung saan man nangagaling ang ingay na iyon.

Ng malapit na ako ay bigla akong nakarinig ng isang kaluskos mula sa loob ng pinto .

At dahil sa inunahan ako ng aking takot agad akong tumakbo papunta kay brixiel at nag tago sa kanyang likod.

"Oh ano ?? Nag mamatapang ka diba ?? Bakit hindi mo nalang tingnan kung anong meron sa loob ng pinto na yon ?" Pang aasar saakin ni brixiel.

Bigla ko itong tinulak at nag cross arms sabay pout.

"Hoy ? Fyi matapang ako ! Wala akong kinakatakutan no ! Kaya naman ako tumakbo at nag tago sayo kasi nakakita ako ng malaking gagamba na nakakadiri iwwwww !!" Pag sisinungaling ko.

"Tch. Diyan ka lang wag kang aalis pag umalis ka diyan ibibigay ko sayo ung gagamaba " pananakot saakin ni brixiel.

Inirapan ko lang ito at pinag masdan ang kaniyang gagawin.

Kasalukuyang sinisilip ni brixiel ang nasa loob at heto ako nangangalay na at nakatayo parin.

Naisipan kong tingnan ang aking wirst watch upang malaman kung anong oras na .

Nanlaki ang aking mga mata ng malamang 8:26 pm na pala .

Gosh ! Lagpas 8 pm na pala ! 

Ibabalita ko pa sana kay brixiel ang oras ng bigla nyang hawakan ang aking kamay at sinabay sa pag takbo.

"B-bakit anong nangyari ? May tao ba roon ??" Pag aalala ko.

Tumatakbo kami ngayon paakyat sa bldg. 

"May isang bangkay ng estudyante akong nakita sa loob na iyon at may naka dikit na papel sa kanyang noo." Pag papaliwanag nito.

Biglang nag sitaasan ang aking mga balahibo dahil sa aking narinig na patay na estudyante.

"What ?! Anong nakasulat sa papel ?!" Tanong ko.

Nasa 4th floor na kami at bigla kaming lumiko.

Tingnan ko si brixiel na seryosong naka tingin sa aming dinadaanan.

Medyo madalim na rin dito sa 4th floor at iilang ilaw lang ang naka bukas kaya delikado baka biglang sumulpot ang taong pumatay sa estudyante grabe kawawa naman ung estudyante na yun.

Maya maya ay may isang pinto na binuksan ni brixiel at dali dali kaming pumasok.

Dorm na ata namin ito... Agad na isinarado ni brixiel ang pinto at nilock ng maayos. Chineck nya muna ito bago sya lumayo sa pinto.

"I'M BACK ! GET READY. Ang nakasulat sa papel na nakadikit sa noo ng estudyante" saad nito habang nakatitig parin sa pinto.

Bigla nalang akong na-statwa sa kinatatayuan ko at mas lalong nag sitaasan ang aking balahibo.

Bumilis ang pag tibok ng aking puso at pinuno ang aking utak ng mga katanungan.

Magical AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon