Chapter 16: The Killer

1.2K 38 0
                                    

Kiela's P.O.V

Halos hindi ako makatulog dahil nga sa hindi ako makaget over tungkol sa kinuwento saakin ni brixiel kanina haysss ang creepy !! .

Kanina pa ako papalit palit ng pwesto sa pag higa ngunit di ako makuntento.

Kanina ko pa ren pinipilit na matulog ngunit di ko magawa 

Nakatitig lang ako ngayon sa kisame at inaaalahanan ang nangyari kanina.

Siguro mga alas dose na ata.

Naaalala ko ang naka sulat sa papel . anong ibig sabihin nun ? Bakit i'm back ? Sino sya ?, bakit sya babalik ? Bakit ? Anong gagawin nya ? May masama ba syang balak ?? Bakit kailangan pa nyang pumatay ng isang inosenteng estudyante .

Ganun ba sya kasama para pumatay ng isang estudyante na wala namang ginagawa sa kanyang masama ???

Pag nalaman ko lang talaga kung sino yun ako mismo ang papatay sa kaniya kahit labag sa kalooban ko .

Bigla akong umupo at tinititigan ang pinto . ewan ko ba kung anong nangyayari saaken ngayon ? Nasisiraan na ata ako ng ulo dahil sa punong puno ng tanong ang aking utak .

Ang sakit na sa ulo at nakaka stress na ! 

Eh kung matulog kaya muna ako kay brixiel ? Di naman masama diba ? Kung makikitulog lang ako dun ! Mas safe ako kasi kahit papaano ay may kasama ako at makakatulog ako ng maayos .

Agad akong tumayo at at kinuha ang kumot at unan pati na ren syempre ang stuff toys ni poponge ! ( spongebob ) at lumabas na sa aking kwarto patungo sa kwarto ni brixiel.

BRIXIEL'S P.O.V

Grabe hindi ko aakalain na babalik nanaman ang demonyo na yun ! Kailan ba titigil yang pang gugulo nya ? Hanggang sa mamatay sya ? Hanggang sa matalo sya ? Kelan ?! 

Bigla ko nalamang hinampas ng malakas ang lamesa .

Nandito ako sa table study ko sa gilid ng aking kama .

Nag susulat kasi ako ngayon ng irereport ko for headmaster dahil sa nangyari at nakita ko kanina .

Trabaho ko ang gumawa ng repport sa tuwing may nangyayaring masama at dinadala ko ito kay headmaster , ako kasi ang kanang kamay ni headmaster at ako ang pomoprotekta sa kanya .

Hindi ko makalimutan ang nangyari kanina ! Arsshhh !! Kilala ko sa pangalan ang killer pero hindi ang mukha dahil lagi itong naka black mask at itim na leather jacket kaya hindi ito makilala .

-* FLASHBACK *-

pinuntahan ko ang ingay na iyon banda sa loob ng pinto na malapit sa guidance office.

Ng makalapit na ako sa pinto ay agad ko munang sinulyapan si kiela na inip na inip kakaantay saakin.

Grabe tlga ang babaeng yun sarap ikulong dito sa pinto at iwan nalang nakakainis sya !

Hinarap ko muli ang pinto na nasa harap ko at hinawakan ang doorknob. Bago ko pa man buksan ang pinto ay bumuntong hininga muna ako at binuuksan na ang pinto.

Ng mabuksan ko na ang pinto isang malamig na hangin ang sumalubong saakin .

Sobrang dilim sa loob at ang liwanag ng buwan lang ang nag bibigay liwanag mula sa loob

Kinapa kapa ko ang pader sa gilid ng pinto upang mabuksan ang switch.

Ng makapa ko na ang switch ay agad kong binuksan ang lahat ng switch.

Patay sindi patay sindi ang mga ilaw na animoy mapupundi na.

Hindi ko na lamang ito pinansin at pumasok na lamang ako sa loob.

Puro mga lumang gamit ang naririto at andito ren ang mga lumang bookshelf.

May narinig akong mga yapak mula sa sa aking likuran kaya mabilis akong lumingon sa aking likuran upang makita kung sino man iyon.

Ngunit bigo ako ni isang anino wala akong nakita.

Ng humarap ulit ako sa kung saan man ako nag hahanap kanina ay may isang bangkay ng estudyante ang lumitaw sa aking harapan na syang nag pagulat saakin.

Napasigaw ako ngunit hindi ito masyadong malakas dahil baka marinig ako ng na kung sino man ang ibang taong nasa loob dito .

Napa-upo ako habang tinitigan ang nakasabit na bangkay ng estudyante sa kisame.

Isa ata syang babae puro hiwa ang leeg , nakaluwa na ang isang eyeballs nya duguan ang ulo at naka nganga pa ito , butas ren ang tiyan nya na animoy walang awa at pinahirapan sya ng killer na iyon ..

Agad akong napatayo ng may napansin akong isang papel na nakadikit sa noo ng bangkay ng babae.

Kinuha ko ang papel na nakadikit sa noo ng bangkay at pinag masdan ang bangkay na paikot ikot mula sa kaniyang pagkakalambitin.

Nakabaliktad ito at nakatali ang paa .

Ibinalin ko ulit ang aking tingin sa papel na hawak ko .

Nanlaki ang aKing mga mata ng mabasa kung ano ang nakasulat sa papel.

"I'M BACK .... GET READY !

-lovely blood " 

yan mismo ang nakasulat sa papel. Napatingin agad ako sa aking harapan at nanlaki ang aking mga mata ng biglang may tumusok na sobrang talim sa ulo ng bangkay nakatutok ang patalim na iyon sa aking leeg .

Agad kong nabitawan ang papel ng makita ang isang tao na naka sumbrero at nakamask at naka suot ng leather jacket .

Tumakbo na ako palabas at mabilis na hinawakan ang kamay ni kiela at sabay na kaming tumatakbo ngayon.

Alam kong nawiwierduhan at kinakabahan si kiela dahil ramdam ko ang panginginig at panlalamig ng kaniyang kamay.

-* END OF FLASHBACK *-

mag susulat pa sana ako ng biglang may kumatok sa aking pinto.

Dahil sa sobrang gulat ay biglang nag kaguhit ang report paper ko .

Napamura ako at napahampas sa study table ko bago ako tumayo at nag tungo sa pinto.

Pagkabukas ko ng pinto ay agad na bumungad sa aking harapan si kiela na nakapangtulog at may dala dalang unan at kumot yakap yakap den nito ang stuff toy na bobob ( spongebob ) .

Napakunot ang aking noo ng makita ito.

"P-pwede ba akong makit tulog s-sayo ? D-di kasi ako makatulog kanina pa , kasi naalala ko ung nangyari saatin kanina natatakot ako " nahihiya nitong saad .

Hindi na ako umimik at mas binuksan pa ang pinto sapat na iyon upang makapasok sya , nakaka awa rin sya mukha syang pusa na nag mamakaawa sa amo para mabigyan ng pagkain.

Ng makapasok na sya ay agad kong sinarado ang pinto.

Pag talikod ko ay nakita ko nalang si kiela na nakatulog agad sa aking kama .

Grabe pala matulog to sakop lahat ng kama haysss..

Nag kibit balikat nalang ako at kinuha ang aking kumot at nag latag na lamang sa baba ng aking kama .

Bago ako matulog ay kinumutan ko muna si kiela na ngayon ay humihilik na ang ingay nga eh sobra ! .

Pinatay ko na ang ilaw ng aking kwarto at natulog na .

Bahala na bukas ! Papaimbistiga ko nalang ang bangkay bukas .

Ipinikit ko na ang aking mata at nag simulang matulog.

Magical AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon