Chapter 17: Agent Sam

1.2K 39 0
                                    

Kiela's P.O.V

Nagising ako dahil sa ingay ng aking alarm clock.

Kinapa ko ang lamesa sa tabi ng aking kama upang patahimikin ang alarm clock ng nakapikit parin ang aking mga mata .

Ng makapa ko na ang alarm clock ay hinampas ko ng ilang beses at malakas ang alarm clock.

Kainis kasi ehh ang ingay ingay ang himbing himbing ng tulog ko !.

Dahan dahan kong idinilat ang aking mga mata at dun ko lang narealize na nakatitig pala si brixiel saakin .

Nanlaki ang aking mga mata at mabilis na napaupo sa aking kama.

Naka upo ito sa tabi ng aking kama .

"T-teka !! Anong ginagawa mo sa kwarto ko ?!" Pag tataka ko.

"Wow ha ! Galing maka kwarto ! Baka nakakalimutan mo ?" Saad nito sabay ngisi ng nakakaloko.

Biglang nag kunot ang aking noo at tinitigan sya ng patanong.

Inilibot ko ang aking mga mata sa mga paligid.

Nanlaki ang aking mga mata at nagulat dahil hindi pala ito ang aking kwarto. 

Mabilis kong ibinalin ang aking tingin kay brixiel.

"P-paano ako nakapunta dito ?!" Gulat kong saad.

"Ganyan ka ba tlga ? Pag may hindi magandang nangyari sayo kinabukasan makakalimutan mo na lahat ng nangyari sayo kahapon?" Pag tataka nito.

Biglang nag sink in saaking utak ang nangyari kagabi.

Shit ! Naalala ko nakitulog pala ako kay brixiel kagabi dahil hindi ako makatulog dahil sa takot ! 

"Nakikitulog na nga lang sa ibang kwarto ang lakas pa mag laway sa unan ko at sirain ang alarm clock ko." Pag paparinig nito sabay labas sa kanyang kwarto.

Bigla kong tiningnan ang unan na ginamit ko.

Shit ! Nekekeheye ! Ang daming basa !! 

Kinapa kapa ko ang aking pisnge at may nararamdaman akong mabasa basa .

Pinunas ko ito gamit ang aking pantulog na damit at inayos ang sarili.

Bigla akong tumayo sa kama at pumunta banda sa malaki nitong kabinet at tumingin ako sa salamin ni brixiel upang icheck ang itsura ko.

Shit ! May mga muta pa ! Ano bayan ? Siguro kanina pa nya akong pinag mamasdan matulog ! 

Haysss !! Iba pa naman ako matulog parang hindi dalaga ! Kainisss ! Nakakahiya !! 

"Grrrrrrr " pang gigigil ko sa harap ng salamin .

Haysss ! Kainis !!! Maka punta na nga sa kwarto ko !.

Bumalik ako sa kama ni brixiel upang kunin ang unan , kumot at pati na si poponge ! Bago tuluyang lumabas sa kaniyang kwarto at nag tungo sa aking kwarto.

Inilapag ko muna ang unan , kumot pati na si poponge sa aking kama at kumuha na ng uniform at tuwalya bago tuluyang nag tungo sa cr upang maligo .

-*FAST FORWARD*-

Ng matapos na ako sa pag ligo ay may naamoy akong masarap na pagkain .

Nag tungo muna ako sa kusina para malaman kung anong pagkain iyon.

Nakita ko si brixiel na naka apron lang at boxer wala syang pang itaas ! Shet besss ! Ang hot !! *_*.

Napanganga ako sa itsura nya ngayon ang hot nya bess , messy hair ang pogi nya kahit naka side view ang puti ng katawan nya ! At nakasilip sa gilid ang six packs abs !! Shit besss ! Grabe ! *_* .

"Stop looking at me baka matunaw ako and please close your big mouth baka may pumasok na langaw diyan " sarkastiko nitong saad.

Bigla akong nagising sa realidad ng dahil sa sinabi nya 

"Aba ! Ang kapal talaga ng mukha mo noh ? Assumero ! Hampas ko kaya sayo yang sandok na hawak mo para magising ka sa katotohanan pilingerong ipis ! Hindi naman ikaw ang tinititigan ko ung niluluto mo ! Atsaka napanganga ako kasi ngayon ko lang nalaman na marunong pala mag luto ang ipis!" Pag susungit ko

Shit ! Nangangamatis na ata ang mukha ko ! Tumingin nalang ako sa ibang direction para hindi nya mahalata na ngangamatis na ako.

"Kunyari ka pa ! Hahahahaha" pang aasar nito.

"Kapal mong ipis ka ! Palapa kita sa pusa ko eh " pag susungit ko sabay walk out at nag tungo na sa aking kwarto.

-*FAST FORWARD*-

Pababa na kami ni brixiel sa 1st floor.

Wala palang kami sa 1st floor ay may naririnig na kaming ingay mula sa di kalayuan .

Mga nag iingay na estudyante at di lang estudyante maging ang teacher ren ata ay nag iingay.

"Iniimbistigahan na ang bangkay" saad ni brixiel ng makalabas na kami sa dorm bldg.

Tiningnan ko ito at mukhang seryosong nakatitig sa daan.

Ibinaling ko muli ang aking tingin sa mga estudyanteng nag kukumpulan sa iisang lugar kung saan iniimbistigahan ang bangkay.

Bigla na lamang ako nakaramdam ng lungkot dahil sa kawawang bangkay ng babae.

Nag sign of cross ako bilang bigyan ng bas bas ang kaniyang kaluluwa.

"Anong ginagawa mo?" Pag tataka nito.

"Nag sasign of cross bakit ?" Pag papaliwanag k o.

"Huh ?!" Pagtataka nito.

"Haysss wala ba kayong simbahan ? Di ba kayo nag dadasal ? Wala ba kayong sinasambang diyos ?" Sunod sunod kong tanong.

Nakakunot noong nakatingin parin ito saakin.

"Haysss ! Alien ata kayo eh ! Halimbawa ang religion mo ay catholic. Hindi lang katoliko ang may sinasambang diyos kundi ang iba pang relihiyon . ang diyos ang ating sinasamba dahil sya ang pinaka makapangyarihan panginoon sya ang ginagalang at nirerespeto ng mga tao si god mabait sya binibigay nya ang mga hiling ng mga tao subalit hindi nya agad ito ibinibigay , kailangan mo munang dumaan sa mga pagsubok bago mo makuha ang hinihiling mo " pag papaliwanag ko.

Ngunit ganon parin ang reaction ng kaniyang mukha naka kunot parin ang kaniyang noo na tila ba'y walang naintindihan ni isa.

"Ahhh ewan ko sayo ! Bahala ka jan ! Never mind ! Sayang lang ung laway ko kaka salita kung wala karin naman palang naiintindihan " Pag susungit ko sabay irap.

Nagulat na lamang ako ng biglang may lumapit saamin na magandang babae siguro mga nasa 30+ na pero ang ganda nya paren 

"Hi i'm agent sam nice to meet you" saad saamin ni brixiel at iniabot ang kaniyang kamay.

Ako muna ang nakipag shakehands kay agent sam at nag pakilala.

"Hi i'm kiela kim silvester nice to meet you too " pag papakilala ko sabay ngiti ng mapalad.

Ng matapos ay si brixiel naman ang nag pakilala.

"I'm brixiel darkford nice to meet you " pag papakilala ni brixiel

Ng matapos na ang aming pag papakilala ay may inilabas si agent sam na notebook at tila ba'y may hinahanap na pahina.

"Tama ! Kayo nga ung hinahanap ko" saad ni ni agent sam at tumingin saaming dalawa ni brixiel.

"K-kami po ?? Bakit po??" Pag tatanong ko.

"Dahil kayo ang may alam sa mga pangayayari kagabi" saad ni agent sam.

Ahh dahil siguro sa bangkay iimbistigahan den kami siguro may itatanong to .

Magical AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon