[Kabanata 2]
Kinusot kusot ko ang aking mata, para nakita ng ayos kung sino ba yung nasa picture, siguro yung asawa ni Dr. Jose Rizal dati, or kung sinumang babae noong unang panahon.
Laking gulat ko nang marealize ko na yung babae ay...
Ako?
Tinitigan ko ulit yung picture. Dahil iba talaga ang pakiramdam ko dun. Sobrang bigat ng dibdib ko, hindi ko alam kung bakit. Tsk Ilang segundo ko pa lang itong tinitingnan nang biglang namatay yung phone ni bunok! Waaah!"Bakit namatay?!" Sigaw ko kay bunok. Dahil hindi talaga ako makapaniwala na kamukhang kamukha ko talaga sya. Wala naman akong natatandaan na may kapatid ako or kakambal na nasa ibang bansa or what. Nakaka triggered kasi magkamukha talaga kami, parang pinagbiyak na bunga. Pero bakit ganun? Iba yung suot nya? Bakit parang pang sinauna? Tsk! Di'ko alam gagawin ko!
"Duh, hindi pa yan lowbat. 87% pa yan nang pinahiram ko sayo." Mataray na sagot ni Khrisnna.
"Tingnan mo, lowbat na oh? Ayaw na mabuhay, parang drain ba drain na ang battery oh" sabay abot ng phone kay bunok.
"I-charge mo na agad daliii! Kailangan ko makita yon!" Sigaw ko pa sa kanya at hindi ako mapakali kasi hindi talaga alam ang gagawin ko.
"Hindi pa nga yan lowbat aba! Ang kulit neto" pagtataray pa ni Khrisnna.
Kukurutin ko na sana sya kaso naisip ko na sa kanya pala yung phone na hawak ko at baka kuhanin nya agad kapag kinurot ko sya. Kaya hinayaan ko na lang. Sobrang nacu-curious talaga ako, hindi ko alam kung bakit pero may iba akong naramdaman ng makita ko 'yon. Hindi lang sa nagulat ako pero nakaramdam ako ng ibang pakiramdam. Nasaktan ako at parang bumigat ang dibdib ko. Hindi ko alam kung bakit ganun ang naramdaman ko. Pero mas nangibabaw pa din yung gulat ko kesa sa lungkot na naramdaman ko.Tumayo ako at kinuha ang charger.
Nakita ko naman na nagchacharge na yung phone at 0% na yung battery nito. Hindi ko na sinabi kay bunok na lowbat na talaga yung phone kasi baka makulitan na sya sa'ken at kuhanin na yung phone.Hinintay ko na umabot sa 1% yung battery at agad na binuksan iyon. Habang nagbubukas yung phone, nakakaramdam ako ng kaba at lungkot. Myghad! Ang strange talaga! Hindi ko alam kung bakit ganito pero sobrang nahihiwagaan ako dun sa picture na 'yun. Tsk!
Agad kong pinindot yung Facebook app, at habang nagloloading ito ay mas lalong bumigat ang aking pakiramdam. Feeling ko, naramdaman ko na yung pakiramdam na ito noon. Pero hindi ko matandaan kung kailan. Hays
Sorry, something went wrong.
We're working on getting this fixed as soon as we can.Go Back
BINABASA MO ANG
Huling Himagsik
Historical FictionHighest Rank: #12 in Historical Fiction [January 23, 2018] "Kung papipiliin ako sa lalaking matalinung-matalino ngunit walang puso at lalaking punung-puno ang puso ng pag-ibig ngunit walang talino, pipiliin ko ang huli." Meet Angela Santiago ang mak...