[Kabanata 20]
"Huwag ka nang malungkot anak. Magiging maayos din ang lahat. Hindi ako titigil hangga't hindi nakakamit ni Nanay Anusencion ang hustisya sa kanyang pagkamatay" mahinahong sabi sa akin ni ina. Narito ako ngayon sa hapag-kainan at kasalukuyan kaming kumakain ng breakfast.
"Hindi na sila naawa ina" malungkot na tugon ko sa kanya. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin talaga matanggap, kahit na apat na araw na ang nakalipas mula ng mamatay si Lola Anusencion.
"Alam kong walang kasalanan si Lola Anusencion" Pakikisali ni Ate Antonia sa usapan.
Totoo naman na wala talagang kasalanan si Lola. Napakabait nya at kahit sa sandaling panahon naming magkasama ay naramdaman ko ang kanyang pagmamahal sa akin."Ang Gobernador ang totoong masama!" Galit na sigaw ko sa kanila.
Lumapit naman sa akin si ina para suwayin ako.
"Huwag kang maingay anak. Baka may makarinig sa iyo" sabay hagpos sa aking likod.Natahimik ang paligid ng biglang nagsalita si ama.
"Anak? Kailan pa kayo nagkikita ng Mateo na iyon?" Tanong sa akin ni ama habang abala sa pagkain.
Natigilan ako sa tanong nya at naalala kong nasabi ni Lola Anusencion na nakita nya kaming magkasama ni Mateo."U-hm...medyo m-matagal na po" nauutal na sagot ko kay ama.
Conservative ang mga tao sa panahong ito at hindi normal na palaging magkasama ang babae at lalaki ng sila lang. Maliban na lang kung sila'y magkasintahan."Simula ngayon ay huwag ka na munang makikipagkita sa Ginoong iyon" seryosong tugon sa akin ni ama na ikinagulat namin nina ate Antonia at kuya Antonio.
"Kayong lahat! Sa ngayon ay hindi ko muna kayo papayagan makipagkita sa Gobernador maging sa mga anak niya" patuloy pa ni ama."P-pero ama, matalik kong kaib--" hindi na natapos ni kuya Antonio ang sasabihin nya ng biglang nagsalita ulit si ama.
"Kahit pa matalik na kaibigan mo iyon, hindi kita papayagan. Ayaw kong madamay ang pamilya natin sa ginagawa ng pamilya niya" Seryosong tugon ni ama at tumayo na."Tapos na akong kumain" saad ni ama at diretsong nagtungo sa kanyang opisina.
"Mga anak. Ang lahat ng desisyon ng inyong ama ay para sa ikabubuti ninyo" mahinahong saad ni ina sa amin at sumunod kay ama papasok ng opisina.
Habang ako naman, at si kuya Antonio ay natigilan dahil sa sinabi ni ama.
Wala na kaming magagawa kundi sumunod na lang. Alam kong ayaw lang kaming mapahamak ni ama kaya yun ang desisyon nya."Binibini? Kung may kailangan po kayo ay narito lamang ako sa labas" sabi ni Cristeta sa akin. Narito na ako ngayon sa aking kwarto and as usual, nakaupo na naman ako sa may bintana at pinagmamasdan ang lawa ng perlas. Sinabi sa akin kanina ni ina na pupunta raw sila ni ama mamaya sa Maynila para bisitahin ang negosyo namin doon.
Sinabi rin niya na bukas ay uuwi daw si Tiyo Lucas galing sa Batangas, kaya makakausap ko na sya.Sobrang dami kong itatanong kay Tiyo Lucas. Ang dami kong gustong malaman na hindi pa nya sinasabi sa akin. Pero bahala na, ayoko munang isipin ang mga yun. Nakaka stress lang eh.
Tumayo na ako at pumunta sa higaan ko. Matutulog na lang ako tutal wala rin naman akong ginagawa. At tsaka para marefresh na rin ang utak ko.
Napatingin na naman ako sa kwintas na suot ko ngayon at dahil doon ay unti unti na namang bumigat ang aking mga mata at nagsimula na akong matulog.Pagkagising ko ay naabutan ko sina kuya Antonio at ate Antonia na paalis ng hacienda. Sinabi nila sa akin na magsisimba daw sila at pagkatapos noon ay pupunta naman sa lawa ng luha para makalanghap ng mas sariwang hangin.
Naiintindihan ko sila, napakarami ng mga nakaka stress na nangyayari sa buhay namin kaya I think It's time for us to relax naman.
Sumama ako sa kanila at ilang sandali pa ay nakarating na kami sa malaking simbahan ng San Luis.
BINABASA MO ANG
Huling Himagsik
Historical FictionHighest Rank: #12 in Historical Fiction [January 23, 2018] "Kung papipiliin ako sa lalaking matalinung-matalino ngunit walang puso at lalaking punung-puno ang puso ng pag-ibig ngunit walang talino, pipiliin ko ang huli." Meet Angela Santiago ang mak...