[Kabanata 5]
Teka? Babae na naka baro't saya? Wait! Nasa sinaunang panahon na ako? Sa panahon kung saan ko babaguhin ang tadhana at pipigilan ang pagkamatay ng Family ni Angelita Anastacio?
Sa pagkakataong ito, sobrang kinabahan ako. Hindi ko alam ang gagawin dahil wala naman akong alam sa mga ganito.
Myghad!
"¿Cómo te sientes ahora? Nuestra madre está muy preocupada por ti."
(How do you feel now? Our mother is very worried about you.)Patuloy pa nung magandang babae na pumasok sa room ko, at halatang nag-alala talaga sya sakin. Maputi sya at matangkad. Yung parang pang Ms. Universe? Haha ang ganda din ng mga mata nya lalo na ang kilay nito. Huhu kakainggit. Kilay is life na din pala yung mga babae noong panahong ito. At mahahalata mo talaga na sya ay mayaman dahil sa ganda ng kanyang tindig at porma.
"Angelita?" Natauhan ako ng bigla syang nagsalita ulit. Kanina pa pala nya akong tinatanong.
Myghad! Hindi ko alam ang isasagot ko. Hindi ko maintindihan yung sinabi nya, nasa Pilipinas ba talaga ako? Tsk!"Hmm.. I don't know what you're talking about." Sabay ngiti sa kanya ng malaki. Haha siguro naman marunong sya mag-english. Hindi ko talaga alam isasagot ko eh!
"¿Sabes hablar inglés? ¿Dónde aprendiste eso?" (Do you know how to speak English? Where did you learn that?) Patuloy na tanong nung babae habang nakangiti, at mukhang hindi makapaniwala na nakapagsalita ako ng english.
Hays. Hindi talaga ako titigilan ng babaeng 'to e.Magtatanong na dapat ulit sya nang biglang may pumasok na lalaki.
Si... Sir Luke?! Yes! Buti naman at nandito na sya. Akala ko paduduguin na ng babaeng to ang ilong ko dahil sa pagsasalita ng ibang language!
Nakasuot sya ngayon ng puting barong tagalog at sa tingin ko ay mayaman din sya sa panahong ito.
"Hi Sir Luke!" Masayang bati ko sa kanya. Gusto ko nang paalisin yung babae na 'to dito. Kung anu-ano na ang pinagsasabi e. Pero baka ma-offend naman sya kapag sinabihan ko sya ng umalis kasi hindi ko sya maintindihan.
Tumingin lang si Sir Luke sa akin at ngumiti, saka pumunta sa harap ng babae na kumakausap sa akin kanina.
"El doctor dijo, la memoria de Angelita desaparecerá temporalmente."
(Doctor said, Angelita's memory has temporarily disappear.)
Kinakausap ni Sir Luke ngayon yung babae. Hindi ko naman naintindihan yung sinabi ni Sir Luke pero nakita ko na nagulat yung babae. Napahawak sya sa bibig nito at naluha."Estoy preocupado por la situación de Angelita ahora. Rezaría para que su recuperación hubiera mejorado."
(I'm worried about Angelita's situation now. I would pray that her recovery would have improved)
Naiiyak na sagot nung babae kay Sir Luke. Ewan ko ba, magka anu-ano ba sila? Tatay ba nya si Sir at pinapagalitan yung babae?
Hays! Mukhang sira ako dito na parang nanunuod ng Korean Novela na walang subtittle! Hays"Eso es bueno. ¿Puedo pedirte que salgas por un momento? Quiero hablar con mi sobrino en privado."
(That's good. Can I ask you to come out for a moment? I want to talk to my nephew privately.)
Tumango naman yung babae, at agad na lumabas. Siguro ay tapos na syang pagalitan ni Sir Luke.
Pagkalabas nung babae ay agad na tumingin sa akin si Sir Luke at nilapitan ako."Angelita? Ayos ka na ba? Nandito na tayo sa sinaunang panahon. Ika-16 ng Agosto ngayon dito, taong 1891."
Haaaaays! Sa wakas! May nagsalita rin ng tagalog. Muntikan na akong ma nosebleed doon sa usapan nila kanina. Waaah!
BINABASA MO ANG
Huling Himagsik
Historical FictionHighest Rank: #12 in Historical Fiction [January 23, 2018] "Kung papipiliin ako sa lalaking matalinung-matalino ngunit walang puso at lalaking punung-puno ang puso ng pag-ibig ngunit walang talino, pipiliin ko ang huli." Meet Angela Santiago ang mak...