[Kabanata 9]
"Ang liham na ito ay para sa babaeng nasa katawan ko ngayon"
Natigilan ako at binasa ulit ang nakasulat doon.
"Ang liham na ito ay para sa babaeng nasa katawan ko ngayon"Ako ba yung babaeng tinutukoy nya?
Pero paano? Hindi ba't patay na sya?
Paano nya nalaman na nasa katawan nya ako?
Tumingin ako sa harapan ko dahil baka nandun ang multo ng totoong Angelita. Tumingin din ako sa kanan ko at sa likuran, pati na rin sa may kisame.
Wala naman sya dun, at napaka payapa naman ng ambiance. Pero bakit ganun? Paano nya nalaman na may ibang kaluluwa na nasa katawan nya ngayon?
Itutuloy ko na ang pagbabasa ng biglang may pumasok sa kwarto ko.Isang babae na sa tingin ko ay 15 years old pa lang, napaka puti nya at talagang lutang na lutang na ang ganda. Medyo chinita rin ito, mapupula ang kanyang labi at ang ganda ng kilay.
Lumapit sya sa akin na ngayon ay nakatulala dahil sa mga nabasa ko kanina."Ate Angelita? Natatandaan mo ba ako? Ako ito. Si Almira" at ngumiti sya ng may halong kaba.
Hindi naman ako nakapag salita dahil parang mawawala na ako sarili, hindi ko magawang magalit sa kanya dahil sa nangyaring aksidente pero napaka amo ng kanyang mukha. At napatitig na lang sa kanya.
Sya pala si Almira, ang bunsong anak ni Don Romulo at Donya Josefa."Nalaman ko kanina lamang mula kay ama, na pansamantalang nawala ang iyong ala-alala. Kung kaya't nagkaroon ako ng lakas ng loob ng humarap sayo at humingi ng tawad" patuloy pa nya at napansin ko na naluluha luha pa sya.
"Hindi ko na ipapaalala sayo kung anong pagkakamali ang nagawa ko, pero sana sa oras na maalala mo ito, ay maalala mo rin ang paghingi ko ng tawad sayo. Sana ay patawarin mo ako ate Angelita" patuloy pa nya at umiiyak na sya ngayon, na naging dahilan para matauhan ako.
Wala naman akong magawa kundi yakapin sya para gumaan naman ang loob nya."Ayos lang iyon Almira, pinapatawad na kita" nakangiting tugon ko kay Almira. Niyakap nya ako ulit.
"Gusto kong bumawi sayo ate. Kung kaya't bukas ay sasamahan kita at si Ate Antonia na pumunta sa mga paborito mong pasyalan" tugon naman ni Almira at ngayon ay pinupunasan ang mga luha nya.
Ramdam kong sincere sya sa mga sinasabi nya.
Tumango na lamang ako at ngumiti."Oo nga pala ate Angelita, mayroon akong gustong ipakiusap sayo" nakangiting tugon nya.
"Ano naman iyon?" Ngumiti ako at medyo natawa dahil nagpapa cute sya ngayon. Parang may kailangan sya sa akin at hihingin nya iyon.
"Nakita ko si Tiyo Lucas at ama na nag-uusap doon sa may hagdan noong paakyat ako dito"
Panimula ni Almira"Narinig ko na nakikiusap si Tiyo Lucas kay ama na wag ka muna isama sa selebrasyon ng kaarawan ng anak ng kaibigan ni ama doon sa San Alfonso, kaarawan na bukas ng kaibigan ni ate Antonia na si ate Helena at inimbitahan ang pamilya natin doon. Nais ni Tiyo Lucas na magpahinga ka muna dahil hindi mo pa daw kaya dahil wala kang maalala"
Tumango na lang ako sa kanya at sinenyasan sya na ituloy ang kang sinasabi. Siguro ay ayaw akong papuntahin doon ni Tiyo Lucas dahil baka kung ano pa ang mangyari.
"Kung maaari ay nais ko sana na pilitin mo si Tiyo Lucas na payagan ka na sumama. Gusto kong ipakilala sayo ang Ginoong aking lihim na iniibig" at nagtaklob sya ng kanyang mukha para itago ang kilig.
Natawa naman ako sa sinabi nya, ang kyut talaga e hahaha"Sige, makakaasa ka" nakangiting sagot ko sa kanya.
"Talaga ate? Nais ko din sanang mangako ka" at talagang hindi na nya maitago ang sayang nararamdaman nya ngayon.
BINABASA MO ANG
Huling Himagsik
Historical FictionHighest Rank: #12 in Historical Fiction [January 23, 2018] "Kung papipiliin ako sa lalaking matalinung-matalino ngunit walang puso at lalaking punung-puno ang puso ng pag-ibig ngunit walang talino, pipiliin ko ang huli." Meet Angela Santiago ang mak...