[Kabanata 10]
Alam nyo yung feeling na parang may stranger na sumusunod sayo habang naglalakad ka sa isang madilim na eskenita? Ganun yung feeling na nararamdaman ko ngayon. Kinikilabutan ako. Myghad!
At ang isa pa sa pinagtataka ko, ay yung isa pang sinabi ni Angelita, na ang taong papatay sa kanilang Pamilya ay ang taong lubos na pinagkakatiwalaan ni Don Romulo/ama. Sino naman kaya iyon? Bakit nya magagawang patayin ang isang taong lubos na pinagkakatiwalaan sya? Bakit ganun? Totoo ba tong sinasabi ni Angelita?
"Marahil sa mga oras na ito ay naguguluhan at nagtataka ang iyong isip. Kung kaya't ipaliliwanag ko sa iyo ang lahat.
Noong ika-20 ng Agosto, taong 1892. Disperas iyon ng piyesta dito sa San Luis, nakatakda na kaming hatulan ng kamatayan. Ako at ang aking pamilya ay napagbintangan na nagnanakaw ng pera ng pamahalan. Alam kong gusto lang niya sirain ang aming pamilya kaya niya ginawa iyon. Maari naman kaming lumaban, pero walang kasiguraduhan kung sa amin papanig ang Korte. Ngunit bago ang araw na kami ay hatulan ay nakausap ko si Tiyo Lucas at may ipinagtapat siya sa akin. Ipinagtapat nya sa akin na maaari pang magbago ang tadhana. Kung hahayaan ko at ng aming Pamilya na kami ay patayin at ibintang lahat sa amin. Noong una ay hindi ako pumayag, pero naisip ko, Paano kung hindi kami magtagumpay? Paano kung hindi pumanig sa amin ang korte? Kahit na lumaban kami at matalo, ay papatayin pa rin kami. Wala na akong pagpipilian at wala na rin akong magagawa.
Kaya hindi kalaunan ay pumayag na rin ako. Sinabi sa akin ni Tiyo Lucas na ang tadhana ay mauulit at mababalik ng isang taon bago kami patayin. Agosto 1892 ng kami ay patayin, at narito ka ngayon sa taong 1891, Agosto rin.
Sabi sa akin ni Tiyo Lucas, na may babaeng ipapanganak pagkalipas ng 126 na taon na syang magbabago ng mapait na kapalaran na sinapit ng aming pamilya.
Marahil ay napapatanong ka sa iyong isip kung paano ko naisulat ito"Sobrang kinakabahan na talaga ako at para na akong sasabog. Hindi ko napansin na may namumuong luha na pala sa aking mata. Parang ayoko nang ituloy ang pagbabasa dahil natatakot ako. Natatakot ako na mabigo sa aking misyon, natatakot ako na mabigo si Angelita na 126 years akong hinintay. Natatakot ako!
Sobrang bilis ng pintig na puso ko. Naiiyak na ako, pero kailangan kong ipagpatuloy ang pagbabasa, yun lang ang tanging makakatulong sa akin para magtagumpay sa misyon na ito."Noong ipinanganak ka, ay nagsimula ng maulit ang kapalaran. Sabado ngayon, at sinabi sa akin ni Tiyo Lucas na bukas ay nakatakda ang aking kamatayan. Mamatay ako sa pamamagitan ng aksidente. Sakto naman na sisimba kaming buong pamilya bukas sa simbahan ng San Alfonso. Akala ko ay maaaksidente ang sinasakyan naming kalesa. Ngunit naisip ko, paano naman si Ate Antonia at Almira? Madadamay sila.
Naisip ko rin na baka habang naglalakad ako sa labas ng simbahan ng San Alfonso ay mabangga ako ng kalesa.
Ngunit nagkamali ako, namatay ako dahil aksidenteng nahulog ako sa sinasakyan kong kalesa.
Noong namatay ako ay may anghel na sumundo sa akin. Nakita ko na buhat buhat ka ng isa pang anghel at inilagay ang kaluluwa mo doon sa katawan ko."Namatay ang totoong Angelita sa pamamagitan ng aksidente, at ganoon din ang nagyari sa akin.
Grabe ang haba naman ng sulat na to ni Angelita para sa'ken. Nasa kalhati pa lang ng sulat ang nababasa ko.
Hindi ako makapaniwala sa mga nangyayari. Hindi ako makapaniwala na totoong nangyayari to. Isa lang akong simpleng babae na nagmula sa 2018 pero nandito ako ngayon. Sa panahon ng espanyol at never ko inexpect na mapupunta ako dito."Pero wag kang mag-alala. Handa akong tulungan ka sa iyong misyon.
Ang aking diwa ay nakakulong ngayon sa isang kwintas. Gusto kong suutin mo iyon palagi dahil pag suot mo iyon ay magagabayan kita. Bukas ng gabi (Lunes) magsisimula ang tunay mong misyon. May dadarating na isang Ginoo sa inyong hacienda at kakamustahin ang iyong kalagayan"
BINABASA MO ANG
Huling Himagsik
Historical FictionHighest Rank: #12 in Historical Fiction [January 23, 2018] "Kung papipiliin ako sa lalaking matalinung-matalino ngunit walang puso at lalaking punung-puno ang puso ng pag-ibig ngunit walang talino, pipiliin ko ang huli." Meet Angela Santiago ang mak...