Capítulo Siete

1.1K 101 35
                                    

[Kabanata 7]

"Angelita? Pwede na ba nating ituloy ang naudlot nating pagmamahalan?" Sabay abot sa akin ng isang silver na singsing at punong puno ng diamonds.

What?! Tama ba yung narinig ko? Naudlot na pagmamahalan?!

OMAYGAAAASSSHHH!

Bakit parang ang bilis naman? Boyfriend ba sya nung totoong Angelita?

"Binibing Angelita? Ayos lang ba kayo?" at kinalabit ako ni Cristeta, na naging dahilan para mapabalik ako sa realidad. Kanina pa pala ako nakatulala.

Grabeeeeee! Ilusion lang pala ang lahat! Akala ko totoong magmamahalan na talaga kami ni Poging kyah! Hindi pala yun totoo. Kainis!

Sumilip ako sa labas ng kalesang sinasakyan ko at tinanaw sya sa di kalayuan. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam ang kanyang pangalan kaya naisip ko na itanong na lang yon kay Cristeta.

"Cristeta? Nakita mo ba kanina yung lalaking nakasakay ng puting kabayo? Anong pangalan nya?" Diretsong tanong ko sa kanya.

"Ang Ginong iyon po ba ang tinutukoy nyo Binibini?" Sabay turo dun kay Poging kyah na nakasakay sa kabayo na tumatakbo ng marahan.

"Sya po si Ginoong Antonio" patuloy pa ni Cristeta. So Antonio pala ang pangalan ng lalaking iyon. Pero infairness ha. Ang pogi ng pangalan nya hahaha

"May girlfriend...ang ibig kong sabihin ay, may kasintahan na ba si Ginoong Antonio? Kung wala, sana'y ako na lang" nakangiting tugon ko kay Cristeta.

Napangiti naman ito at napahawak sa kanyang labi para pigilan ang pagtawa nya.

Ay. Ang weird naman. Bakit natatawa sya? Tinatanong ko lang naman kung may girlfriend na si Antonio myloves ko e. Hays

"Ipagpaumanhin mo po Binibini, ngunit hindi po kayo maaaring umibig sa Ginoong iyan, dahil..."
Hindi na nya natapos ang sasabihin nya ng biglang tumigil ang kalesang sinasakyan namin.

"Mang Rudel? Ano pong problema? Bakit huminto ang kalesang ating sinasakyan?" Tanong ni Cristeta dun sa nagdadrive ng kalesa kung saan kami nakasakay ngayon.

"Mas makabubuti kung kumuha na muna kayo ng malinis na tubig. Marahil ay pagod at nauuhaw na ang kabayo"
May isang familliar na boses ang nagsalita.

Teka...

Boses iyon ni Antonio myloves!

So ibig sabihin, nandito si...Antonio?

"Opo Ginoo" tugon ni Mang Rudel at isinama si Cristeta sa pagkuha ng inumin ng kabayo. Ayokong maiwan dito mag-isa kaya tinawag ko sina Mang Rudel.

"Sandaliii! Sasama ak-" hindi ko na natapos ang aking sasabihin ng biglang tinakpan ni Antonio ang aking bibig.

"Mapapagod ka lang kung ikaw ay sasama pa Angelita. Umupo ka na lang muna riyan at magpahinga" mahinahon na pagsasalita nya sa'ken. Ewan ko ba, pero sa halip na magalit ako ay kinilig pa ako. Kyaaah!

"Sasamahan na lang muna kita riyan sa loob" dagdag pa nya. At pumasok na sya sa kalesang sinasakyan ko.
Myghad. Para syang kuryente na kapag nadidikit ako ay na go-ground ako. Hahahaha

Napatitig ako sa magaganda at medyo singkit nyang mata. Nang biglang pumasok sa aking ala-ala ang sinabi sa akin ni Sir Luke noong nasa Library kami.

Huling HimagsikTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon