Capítulo Doce

1K 88 15
                                    

[Kabanata 12]

Kinakabahan ako at parang maiiyak. Kinakabahan ako kanina dahil sa ahas. At ngayon ay dahil dun sa lalaking nasa harap ko ngayon.
Sobrang lapit na ng mukha nya sa mukha ko.
Ng biglang...

"Binibini? May dumi ba ako sa aking mukha kung kaya't ganyan ka makatitig sa akin?" Natauhan ako ng biglang magsalita yung lalaki.

Gosh! Illusion na naman! Nakakahiya na! Hindi ko namalayan na nakatitig na pala ako sa kanya at nakanguso pa! Waaaaah!

"U-uhm. A-no kasi--" hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng bigla syang nagsalita ulit.

"Marahil hanggang ngayon ay kabado ka pa din dahil sa paghabol ng ahas sa iyo. Siguro ay nagandahan sayo kaya ka hinabol" biro nya. At dahil dun talagang natauhan na ako.

"U-h oo!"
Matipid na sagot ko sa kanya. At natawa naman sya ng dahil doon.
Buti na lang at hindi nya napansin na pinagnanasaan ko na pala sya. Haha ang bad mo talaga Angela.

"Mag-iingat ka sa susunod binibini ha. Buti na lamang at nandito ako, kung hindi ay baka natuklaw ka na ng ahas" at ngumiti sya sa akin. Yung ngiti na labas ang ngipin.
Wait! Ang gwapo pala nya! Kyaaaah! Ang tangkad at ang tangos ng ilong. Hindi sya maputi at hindi rin kayumanggi. Mas lalo namang hindi maitim haha siguro ay kalahating maputi at kalahating kayumanggi. Pinkish ang labi nya at...

at...

May dimple! Waaah! Ang pogiiiiii!

Hays! Yan ka na naman Angela. Lumalandi ka na naman.
At dahil minsan lang mangyari to sa aking buhay, ay talagang lumandi na ako to the highest level.

"Teka. Ano bang pangalan mo?" Nakangiting tanong ko habang nakatitig sa kanya. Sana matablan sya ng mapang-akit kong titig. Haha

"Ah. Ako nga pala si Mateo." Nakangiting tugon nya sa akin.
Tumango na lang ako at ngumiti rin sa kanya bilang response.

"E ikaw binibini? Anong ngalan mo?"
Patuloy pa nya.

"A-ako nga pala si Angela..este Angelita Anastacio pala" Kinikilig na tugon ko sa kanya. Medyo nauutal naman ako kasi ang pogi talaga nya. Kyaaaah!

"Angelita? Napakagandang pangalan para sa isang napakagandang binibini. Ikinagagalak kong makilala ang anak ng isa sa pinakamayang binibini dito sa San Luis"
At napansin kong mas lalong lumaki ang ngiti ni Mateo.
Natawa naman ako dahil sa sinabi nya.

"Oo nga pala. Kailangan ko nang magpaalam sa iyo binibini, sapagkat mamimitas pa ako ng mga mangga na dadalhin ko sa kaarawan ng aking kaibigan na si Helena" Tugon naman nya.

So pupunta din sya sa birthday ni Helena? Ibig sabihin ay makikita ko sya ulit doon? Ugh! Talagang pinaglalapit kami ng tadhana haha
Napatingin ulit ako sa kanya at halatang halata yung dimple nya. Mas malalim pa yung dimple nya kesa sa dimple ni Alden Richards. Waaaah!

"Mauuna na akong umalis binibini. Mag-iingat kang muli at baka habulin ka na naman ng mga ahas na nagagandahan sayo" Biro pa nya. Nakita ko naman na tumakbo na sya papalayo at sa tingin ko ay nagmamadali sya.

"Angelita! Ayos ka lang ba! Anong nangyari sa iyo?" Natauhan ako ng bigla ko silang narinig na sumigaw mula sa di kalayuan si ate Antonia. Nakatitig pala ako kay Mateo habang sya ay tumatakbo palayo.
Lumapit sa akin sina ate Antonia at talagang nag-aalala sya.
Sinuri nya ang kamay ko, braso at ang ibang parte pa ng katawan ko para suriin kung may sugat ba ako.

"Narinig ko na sumigaw ka at nakarinig din ako ng putok ng baril. Ano bang nangyari sa iyo ate?" Tanong sa akin ni Almira at bakas sa mukha nya na nag-aalala sya.
Huminga muna ako ng malalim bago nagsalita. Kinikilig pa din ako e

Huling HimagsikTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon