Capítulo Cuatro

1.2K 128 6
                                    

[Kabanata 4]

Tumingin sya ng diretso sa akin. Nakita ko sa kanyang mga mata na nag-aalala din sya para sa'ken. Sobrang kabado ako ngayon dahil alam kong sa kabila nito ay may mabigat din na kapalit. Hindi naman siguro ako tutulungan ni Sir Luke na yumaman ulit kami at mabuhay pa ng matagal ang Pamilya Anastacio kung walang kapalit.

"Kailangan mo munang mamatay bago makapunta sa sinaunang panahon"

What?! Kailangan ko munang mamatay?! Wala nang ibang paraan?!
Sandaling tumigil ang ikot ng mundo ko. Parang ayoko na ituloy ang misyon na yon, pero paano naman si Angelita at ang kanyang Pamilya? Gusto kong mabuhay din sila ng matagal dahil hindi nila deserve na mamatay agad. Gusto kong makamit ang hustiya para sa mga ninuno ko.

"Wag kang matakot Angela, palagi lang akong nasa tabi mo at handang tulungan ka kapag nandun ka na sa sinaunang panahon" patuloy pa nya.
Buti naman at kasama sya, may katulong ako sa pagbibigay ng hustisya para sa magulang ni Angelita. Napaisip ako ng malalim, ayokong maging walang kwentang apo sa tuhod ni lola Angelita kaya nagdesisyon na ako.

"Sige po Sir, tara na po sa sinaunang panahon." Sagot ko sa kanya, nilakasan ko ang loob ko kahit pa ang totoo ay takot na takot talaga ako.

"Sigurado ka na ba sa desisyon mong iyan Angela?" Nagtatakang tanong nya sa akin.

"Ninuno ko po sila, at ang dugo na dumadaloy sa kanila ay dumadaloy din sa'ken. Sobrang mali na patayin sila ng walang kasalanan" naluluhang sagot ko kay Sir Luke. Ewan ko ba, pero ang sakit sakit. Nasasaktan ako dahil sa mga nangyari sa kanila, na kahit hindi ko naman talaga sila kilala noon, feeling ko ay matagal na kaming magkakakilala.

"Sige, kung yan ang iyong desisyon. Masaya ako dahil masisimulan ko na ang misyon ko" sagot nya.

"Bukas na bukas din ay makakapunta ka na sa unang panahon, walang nakakaalam ng oras at mangyayari, pero bukas nakatakda na ang iyong kamatayan sa pamamagitan ng aksidente" sagot ni Sir Luke, ewan ko ba pero parang gusto ko na agad makapunta don. Kinabahan ako ng sobra dun sa sinabi ni Sir na kailangan ko mamatay! Pero hindi ko na pinansin yung takot ko. Gusto ko na malaman agad kung paano ko mapapanitili na buhay ang Pamilya Anastacio, at para yumaman na rin kami. Hahahaha

Gagawin ko to dahil naaawa ako sa nangyari sa Family Anastacio, hindi dahil gusto ko lang yung pera.

Napaisip ulit ako. Paano kung hindi ako magtagumpay sa mission ko? Paano kung hindi ko napigilan ang pagkamatay ng Family Anastacio?

Nakita ko naman na tumayo na si Sir Luke at mukhang aalis na sya. Pero pinigilan ko sya.

"Sir Luke? Paano kung hindi ako magtagumpay sa misy--" hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng biglang lumapit sa amin si Ma'am Cristy.

"The students of room 302 is looking for you. Kayo daw po kasi ang first subject nila" sabi nya kay Sir.
Tumingin naman sa akin si Ma'am Cristy at ngumiti habang si Sir Luke naman ay nagmamadaling nagpaalam sa akin.

Naiwan akong mag-isa sa library dahil parang naghihina na ako. Nakaramdam ako ng hilo at feeling ko mahihimatay na ako. Kaya kahit na hindi pa ako nakaka attend ng kahit isang klase, ay umuwi na agad ako. Idinahilan ko na lang kay Mama na nahihilo ako at sobrang sakit ng ulo ko.

Humiga ako sa kwarto, pakiramdam ko ay umiikot ang buong paligid. Ipinikit ko ang aking mata at nagsimula ng matulog.

"Anak, okay ka na ba? Kaya mo na ba pumasok sa school?" Mahinahong na tanong ni mudrakels.

Huling HimagsikTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon