[Kabanata 8]
" Ako naman ang iyong Ate Antonia, mas matanda ako sa iyo ng dalawang taon" patuloy pa nya at tumingin kay Antonio.
Sa wakaaaaas! Ang hinihintay kong moment! Waaaaah!"At ang lalaking iyan na nasa tabi mo ay ang ating kuya Antonio. Ang panganay sa ating magkakapatid"
WHAAAAAAAAAAT!
KAPATID KO SI ANTONIO?!
Hindi ko alam kung anong gagawin ko, parang na blanko yung utak ko.
Grabeeee! Halos pagnasaan ko na sya. Tapos ganito yung malalaman ko?
Pinaglalaruan lang ba talaga ako ng tadhana? o sadyang ayaw lang talaga na magka lovelife ako? Minsan na lang ako magkaroon ng crush. Kuya ko pa? Hays!
Napatingin ako kay Tiyo Lucas at napansin kong natatawa sya.
Nakakainis naman oh! Feeling ko tuloy wala na akong kakampi, halos lahat na lang pinagkaka-isahan ako.
Mag e-emote pa sana ako ng may biglang pumasok sa isipan ko."Kahit anong mangyari ay wag na wag na wag na wag na wag kang maiinlove sa akin" diretsong sagot ko sa kanya. Pero mukhang nagtataka sya sa sinabi ko.
"Maiinlab? Anong salita iyon Angelita?" Nagtatakang tanong nya sa akin. Ayy! Oo nga pala, hindi pa uso dito yung mga english na word kasi panahon pa naman ito ng Kastila, at hindi pa panahon ng mga Amerikano.
"Ang ibig kong sabihin ay, wag na wag kang iibig sa akin" sagot ko pa sa kanya. At napalitan ng tawa yung nagtatakang mukha nya kanina.
Hays! Akala ko ay masasaktan sya at magmamakaawa sa akin. Pero iba ang nangyari e. Natawa pa sya. Tsk! Baliw yata tong lalaki na to eTawa na sya ng tawa at kulang na lang ay magpagilong gilong na sya. Parang baliw talaga.
"Imposibleng akoy umibig sayo dahil..."
Hindi na natapos ni Antonio ang kanyang sasabihin ng biglang dumating si Mang Rudel na may dalang balde ng tubig.Sariwang sariwa pa sa utak ko yung nangyari sa amin kanina. Nahihiya ako kay Antonio at hindi ako makatingin sa kanya.
"Ehem!" Narinig ko na parang umuubo si Antonio. Teka nagpaparinig ba sya? Tsk!
"Angelita? Natatandaan mo pa ba yung sinabi mo sa akin kanina na kahit anong mangyari ay wag akon--" hindi na natapos ni Antonio ang sasabihin nya ng bigla kong tinakpan ang kanyang bibig.
Shit! Ilalaglag pa ako ng lalaking to ha? Kaya kahit nahihiya ako, ay pinilit kong hawakan ang kanyang bibig. Mas maganda na yun kesa naman sa mapahiya ako sa harap nila at mapagkamalan na assumming ako."Nagagalak ako ngayon na makita na kahit wala kang maalala, ay magkasundo pa rin kayo ng kuya Antonio mo" biro pa sa amin ni Donyo Josefa/ina.
Hays! Anong gagawin ko. Kailangan kong umisip ng paraan para hindi na ako maipit sa sitwasyon na to.
Nakakainis talaga si Antonio, pinapahamak ako."Araaay! Ang sakit ng ulo ko!" Sigaw ko at gulat naman na tumayo ang lahat at lumapit sa'ken. Galing ko mag acting no? Hahaha yun lang yung naiisip kong paraan e. Hindi naman kasi pwede na bigla bigla na lang akong tumakbo paalis, siguradong magtataka sila.
"Anong nangyari sayo anak? Ayos ka lang ba?" Habang nakahawak sa kamay ko si Don Romulo/ama, at kitang kita ko sa mga mata nya na totoong nag-aalala sya.
Hays! Tiyo Lucas! Help meeeee!
Suportahan mo naman ako sa aking acting ko oh. Grrrr"Marahil ay pagod na si Angelita, mas makabubuti kung magpahinga na muna sya sa kanyang silid" Nagulat ako ng biglang nagsalita si Tiyo Lucas. Yeheeeey! Haha sinasabi ko na nga ba e. Hindi nga ako matitiis at tutulungan ako.
Dali-dali naman lumapit sa akin si Cristeta."Binibini? Tara na po sa inyong silid" mahinahong pag anyaya sa'ken ni Cristeta. Siguro naman ay kaya ko na pumunta mag-isa sa kwarto ko. At hindi ako sanay na may ibang tao sa kwarto bukod sa kapatid ko.
BINABASA MO ANG
Huling Himagsik
Historical FictionHighest Rank: #12 in Historical Fiction [January 23, 2018] "Kung papipiliin ako sa lalaking matalinung-matalino ngunit walang puso at lalaking punung-puno ang puso ng pag-ibig ngunit walang talino, pipiliin ko ang huli." Meet Angela Santiago ang mak...