Capítulo Once

1K 96 29
                                    

[Kabanata 11]

Sinabi nya na ang totoong misyon ko ay magsisimula sa Lunes ng gabi, at may dadalaw na Ginoo para bisitahin ako.
Sino naman kaya yung lalaki na yon? At paano nangyaring sa kanya magsisimula ang totoong misyon ko?
Ano kayang kinalaman nya sa pagkamatay ng Pamilya Anastacio?

Nasa labas na kami ngayon ng bahay at naglalakad na patungo sa isang lawa. Teka? Yun yung lawa na natatanaw ko mula sa kwarto ko ah?
Wow naman! Mas malaki at mas lalo mong makikita ang linis ng lawa na ito sa malapitan. Kumikislap na agad at nagrereflect ang araw sa lawang iyon.

"Ang lawang iyan ay ang lawa ng perlas" nakangiti ngayon sa akin si ate Antonia at sigurado akong napapansin nya kung gaano ako na-excite ng makita iyon.

"Halika umupo ka rito sa tabi ko at ikukwento ko sayong muli ang alamat ng lawang iyan" patuloy pa ni ate Antonia at dali dali akong umupo sa tabi nya. Sumunod naman si Almira at gustong makinig sa ikukwento ni ate.

"Noong unang panahon ay may isang dalaga na napakabait at napaka matulungin. Isang araw habang sya ay naglalaro malapit sa lawa ng luha, ay may nakita syang isang sirena.
Simabi ng sirena na kaya sya nagpakita dito ay dahil sa kabaitang taglay nito, at handa sya nitong tulungan sa pagtulong sa ibang tao. Naging matalik na magkaibigan ang dalawa. Halos araw-araw na pumupunta ang dalaga malapit sa lawa ng luha para makipagkita sa kanyang kaibigan na sirena. Ngunit nagbago ang lahat ng may dalawang mangingisda na napadaan sa kinaroroonan ng dalawang magkaibigan. Nagulat ang dalawang mangingisdang iyon noong mapansin na may buntot na parang sa isda ang isang babae. Kung kaya't hindi na sila nag aksaya pa ng panahon. Naisip nila na malaking halaga kung maibebenta sa palengke ang sirenang iyon kung kayat pinagbabaril nila ito.
Sa kasamaang palad, ay natamaan ang sirena at namatay ito, habang ang dalaga naman ay nakatakbo papalayo.
Makalipas ang dalawang araw ay muling bumalik ang dalaga sa lugar kung saan palagi silang nagkikita ng kanyang kaibigan. Laking gulat nya ng makita ang isang napakalaking lawa at karugtong na nito ang lawa ng luha.
Pinaniniwalaan na ang dugo na lumabas mula sa katawan ng sirena ay naging tubig at naging karugtong nito ang lawa ng luha, habang ang luha naman ng sirens ay naging parang maliliit na perlas at humalo sa tubig. Kung kaya't sa tuwing nasisinagan ito ng liwanag ng araw, at kahit pa ng liwanag na nagmumula sa buwan pag gabi. Ay kumikislap ito na parang mga perlas. Kung kaya't tinawag ito na lawa ng perlas" nakangiti at nakatanaw ngayon sa luha ng perlas si ate Antonia habang nagkukwento ito.
Tumingin rin ako sa tila perlas na lawa dahil sobrang kumikislap ito. Lalo na pag nasisinagan ng araw. Napaka swerte ko dahil nakikita ko ang mga bagay na ito. Mga bagay na imposible ko nang matagpuan sa future.

"Ate Angelita? Tayo na doon sa isa pa sa paborito mong pasyalan" natauhan ako ng biglang nagsalita si Almira at hinila ako.
Napatingin naman ako doon sa kalesang malapit sa gate. Yun pala ang sasakyan namin. Napakalaki nito at dalawa ang kabayong maghihila sa kalesa.

"Mas mabuti na raw ang sigurado sabi ni ama. Kung kaya't ipinahiram niya sa atin ang kalesang ginagamit nila ni ina pag bumabyahe sila sa mas malalayong lugar" nagulat ako ng biglang nagsalita si Ate Antonia. Busy kasi ako sa pagtingin ng magagandang tanawin. Nakasakay na kami ng kalesa at masasabi kong mas mabilis ang byahe namin ngayon dahil dalawang kabayo na ang humihila sa kalesa. Nakasandal naman ngayon si Almira at pinag gigitnaan namin sya. Antok na siguro sya kung kaya't ang tahimik tahimik. Hahaha ang kyut talaga. Ugh!
Ilang sandali pa ay nagsalita nang muli sa ate.

"Narito na tayo sa lupain na pinaka paborito mong puntahan. Ang lupain na maraming puno ng mangga" nakangiti sya sa akin habang si Almira naman ay napabalikwas mula sa kanyang masarap na pagkakasandal ng marinig ang "puno ng mangga"

"Tara na ate Angelitaaaa!" At excited na bumaba si Almira at hinila ako.
Grabe naman tong bata na to hahaha

"Dahan dahan lamang sa paghila sa iyong ate Angelita at baka maputol ang braso niyan" biro sa amin ni ate Antonia. Natawa naman ako dun at ganun din si Almira.

Huling HimagsikTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon