[Kabanata 17]
"Hindi ka rin ba makatulog ate Angelita?" Nagulat ako ng may babaeng nagsalita sa likod ko. Si Almira pala. Hays! Grabe sila, basta-basta na lang sumusulpot.
"Hindi pa ako inaantok" sabi ko na lang sa kanya. Pero ang totoo ay kilig na kilig pa rin ako hanggang ngayon.
Sa halos labing siyam na taon ko nang nabubuhay dito sa mundo, ngayon ko lang naramdaman na kiligin sa isang lalaki. Nagkaroon ako ng boyfriend dati pero iba yung kilig na dala talaga ni Meto e. Kyaaaaaah!"Bakas sa iyong mga ngiti na ikaw ay may lihim na rin na iniibig" tugon nya sa akin.
Teka? Lihim na iniibig? Grabe naman yun hahaha crush ko lang naman sya."H-huh? Hindi ah" sabi ko sa kanya.
Narito na ako ngayon sa aking kwarto at kanina pa ako nakauwi. 12pm na at hindi pa rin talaga ako makatulog dahil ginugulo ni Mateo ang aking isipan. Sa sobrang excited ko na makausap ulit sya bukas ay nahiya ng dumalaw ang antok. Hahahaha
Mas lalo akong lumapit sa bintana at pinagmasdan ang lawa ng perlas na ngayon ay kumikinang dahil nag re-reflect yung liwanag na nanggagaling sa buwan.
Naalala ko bigla yung kwento sa akin ni ate Antonia, na ang lawang iyan ay nabuo dahil sa isang sirena. Kung iisipin, wala naman talaga syang masamang intensyon pero bakit ganun? Pinatay sya at napag-isipan na ibenta?
Kahit na magpakita ka ng kabutihan sa mga tao, ay hindi nila agad iyon mapapansin. Lalo na at bulag sila sa pera.
Pero sa ngayon, kuntento na ako. Hindi na ako naghahangad na maging maganda ang buhay ko sa future, basta masiguro ko lang na maayos ang buhay nila mama at papa.
Ang hiling ko lang sa ngayon, ay huwag na sanang matapos ang masasayang sandaling ito. Masasayang sandali na naeenjoy ko ang magagandang tanawin dito na para bang wala akong problemang iniinda. At mga masasayang sandali na kasama si Mateo. Waaaaah!"Huwag ka nang magkaila pa ate Angelita. Ganyan din ang aking mga ngiti noong makilala ko ang Ginoong iyon" Tugon nya sa akin at umupo dito sa tabi ko.
"Teka, sino ba ang Ginoong iyong tinutukoy?" Tanong ko kay Almira. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin nakikilala ang sinasabi nyang lalaking kanyang lihim na iniibig.
Napansin ko naman na napataklob ng mukha si Almira bago magsalita. Kinikilig ata hahahaha
"Ang Ginoong iyon ay kapatid ng matalik na kaibigan ni kuya Antonio"
Tugon nya sa akin. So may matalik na kaibigan si kuya Antonio, at ang kapatid noon ay lihim na iniibig ni Almira? Haha sino kaya yun?"Dahil ba sa kanya kaya hindi ka rin makatulog ngayon?" Tanong ko sa kanya.
"Oo ate Angelita. At magkikita kaming muli bukas" tugon sa akin ni Almira na ngayon ay sobrang laki na ng ngiti.
Natawa na lang ako nang maalala na magkikita rin pala kami ni Mateo bukas. Kaya pala alam nya na may iniisip din akong lalaki ngayon, kasi ganun din sya. Haha magkakasundo kami neto."Masaya ako para sayo Almira" sagot ko sa kanya at nginitian.
Wala naman akong masabi kasi na s-speechless talaga ako pag naaalala si Mateo."Masaya din ako dahil iba ka sa dating ate Angelita" Tugon nya at dahil doon ay bigla akong kinabahan.
Teka... Baka alam na nya na hindi ako ang totoong Angelita?!"A-anong ibig mong s-sabihin?" Nauutal na tanong ko sa kanya.
Lagot ako kay Tiyo Lucas pag nalaman nya. Waaaah!"Palagi kang galit sa akin noong hindi pa nawawala ang iyong alaala. Ngunit pagdating sa ating kuya Antonio, ay magkasundong magkasundo kayo.
Lumalabas ka lamang ng bahay kapag niyayaya ka ni kuya na pumunta sa lawa ng luha. Pero madalas ay wala sya kung kaya't madalas ay narito ka lamang sa iyong kwarto at palaging abala sa pag guhit. Ang dating ikaw ay masiyahin, mahiyain at mayumi ngunit sa kabaling banda ay napakadali mong magalit"
Tugon nya habang nakatingin ng diretso sa akin at nakangiti.
BINABASA MO ANG
Huling Himagsik
Historical FictionHighest Rank: #12 in Historical Fiction [January 23, 2018] "Kung papipiliin ako sa lalaking matalinung-matalino ngunit walang puso at lalaking punung-puno ang puso ng pag-ibig ngunit walang talino, pipiliin ko ang huli." Meet Angela Santiago ang mak...