Capítulo Quince

966 87 12
                                    

[Kabanata 15]

Matapos ang nangyari kagabi, si Mateo na lang palagi ang naiisip ko. Gusto kong magbati na kami para magkaroon na ako ng kaibigan na kukulitin.
Oo, nandito ang mga kapatid ko para makisaya sa akin, pero iba ang kay Mateo e. Hindi ko alam kung bakit pero gusto ko rin syang makasama. Siguro magkakasundo talaga kami nung lalaki na yun, sinasabayan nya kasi ang mga trip ko e. Hindi sya kj.

At syempre dahil consistent talaga ako na magka ayos kami, at dahil maganda ako. Gumawa ako ng plano, oh diba? Haha Plano kung paano ko makakausap si Mateo.
May Plan A ako, Plan B, at Plan C.

Plan A: Pupunta ulit ako sa lupain ng mga puno ng mangga, at magtatago ulit doon sa maliit na taguan ng mga gamit pang tanim.  Magpapahabol ulit ako sa ahas at boom! Ililigas na ulit ako ni Mateo. Kapag nailigtas nya ako, magkakaroon na rin ako ng chance para makausap at makapag sorry sa kanya.

Plan B: Magpapasama ako kay Cristeta at pupuntahan ko sila sa bahay nila. Yayayain ko sya na lumabas kami para mamasyal or kumain sa resto. At boom! Makakausap ko na dun si Mateo mylove!

Plan C: Ichachat ko sya. Charot! Haha syempre susulatan ko sya. Papadalhan ko sya ng mga long sweet messages. At dun ko na rin sasabihin sa kanya na nagsisisi ako sa mga ginawa ko.

Oh diba mga besh! Ang witty ko sa part na yan. Hahahah Pero paano kung hindi pa rin gumana ang tatlong plano na yan? Pero, kahit bigyan pa ako ng mundo ng isang milyong dahilan para sukuan sya, maghahanap pa rin ako ng isang dahilan para ipagpatuloy yung mga bagay na nasimulan ko na para sa kanya. Maging mag kaibigan lang ulit kami, ayos na sa akin.
Okay lang sa'ken kahit hindi na lumevel up basta magka ayos lang kami.

Narito ako sa kwarto ko at naghahanda na ako para sa una kong plano. Mag a-alas dyis na ng gabi nang makauwi kami kahapon, may nakilala rin akong bagong kaibigan, haha yung kapatid ni Mateo...
Mateo Benedicto, na si Graciana. Napakadali ko syang naging kaibigan, dahil siguro parehas kaming makulit at tsaka dahil friendly sya.


Narito na ako sa labas ng mansyon namin at sobrang ganda ng suot ko ngayon. Syempre dapat presentable ako sa paningin ng aking Mateo. Suot ko pa rin yung kwintas na red at alam kong gagabayan ako ni Angelita para hindi talaga ako makagat ng ahas mamaya. Magpapahabol ako sa ahas diba? Katulad ng sinabi ko sa Plan A.
So ayun na nga, nandito na ako sa gate at nakita ko ang dalawang guard namin. Sabi ni ate Antonia, sila daw ang aming mga Guardia Personal.

"Magandang umaga señora! Saan kayo patutungo?" Masiglang bati ng isang Guardia Personal.
Aba! Mukhang maganda gising ni kuya ah?

"Pupunta ako sa lupain na maraming puno ng mangga" nakangiting tugon ko dun sa Guard.

"Por pabor Señora, ngunit ang iyong ama ay hindi ka pinahintulutan na papuntahin doon ng walang kasama"
Tugon sa akin ng Guardia Personal, pero nakangiti pa rin sya.
Napasimangot naman ako dahil sa sagot nya

"Madali lang ako do--" hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng biglang dumating si Donya Josefa/ina.

"Anak, sundin mo na lang ang bilin ng iyong ama. Para rin yan sa ikabubuti mo" sabi ni ina. Nakangiti sya ngayon sa akin at mukhang galing sya lawa mg perlas.
At dahil si ina na ang nagsalita, wala na akong magagawa. Sumunod na lamg ako sa kanya.
Inalalayan naman nya ako papasok at sinabing tuturuan daw nya ako na magluto ng paborito kong adobo.

"Naaalala mo pa ba anak noong bata ka pa? Napakahilig mong magluto at pinakapaborito mong lutuin ang adobo" Narinig kong nagsalita si ina, habang ako naman ay abala sa paghahati ng mga patatas na ilalagay sa adobo.
Nasa kusina na kami ngayon at nakasalang na ang palayok na paglulutuan namin ni ina.

Huling HimagsikTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon