[Kabanata 3]
Hindi sya sumagot sa tanong ko at ipinakita ang isang picture na nakadikit sa album. Sobrang nagulat ako nung makita yung picture na yun na katulad na katulad ng picture sa facebook!
Yan yung picture na matagal ko nang hinahanap!
Bakit may picture sya na ganun? Saan nya kinuha 'yon? Tsk hindi ko alam kung anong gagawin ko, natigilan ako ng oras na 'yon, dahil may kakaiba talaga akong nararamdaman pag nakikita yung picture na yon.
Naramdaman ko na naman yung kirot sa puso ko na kaparehas ng naramdam ko kagabi nung una kong makita yung picture. Hindi ko alam pero naiiyak ako dahil nakita ko na naman yung picture.
"Alam kong naguguluhan ka sa mga nangyayari ngayon, pero hayaan mong ipaliwanag ko sayo" nakangiti pa rin sya.
Umo-o na lang ako at nakinig sa kanya, kahit na sobrang kinakabahan ako ngayon. Hindi ko alam kung anong pakiramdam ko pero parang naramdaman ko na talaga to noon.
"Tawagin mo na lang akong Sir Luke" nakangiti pa rin sya habang ako naman ay hindi na alam ang gagawin at parang maiihi na sa sobrang kaba. Waaaahhh!
"Ang nasa picture na ito ay si Angelita Anastacio, sya ay bunso sa apat na magkakapatid, anak sya ni Don Romulo Anastacio at Donya Josefa Anastacio. Pero namatay sya sa edad na labing siyam" kinilabutan ako dun sa sinabi nya, bukod sa kamukha ko sya, ay pakiramdam ko ay ganun din ang mangyayari sa'ken!
"Wag kang mag-alala, hindi ka matutulad sa kanya na maagang binawian ng buhay." Patuloy pa nya. Hindi naman ako makapagsalita agad dahil sa mga nalalaman ko.
"Ang Pamilya Anastacio ay ang pinaka mayaman na pamilya sa bayan ng San Luis, ang pamilya din nila ay maimpluwensya dahil na rin sa mayroon silang malaking negosyo, kung saan nagbebenta sila ng mga palay, bigas, sibuyas at mga prutas, hindi lamang sa Maynila, at nakaabot na rin sa ibang lalawigan tulad ng San Alfonso, Cavite, at Batangas. Si Angelita Anastacio ay namatay dahil sa maling bintang sa kanilang Pamilya. Napagbintangan sila na nagnanakaw ng pera mula sa buwis at sa pera ng pamahalaan, bagay na hindi pinaniniwalaan ng maraming tao. Likas na mabait si Don Romulo Anastacio, ang tatay ni Angelita. Bukod sa nagbibigay sya ng magandang trabaho para sa mga mahihirap, nakakatulong pa sya paglago ng bayan ng San Luis."
"Nagbago ang lahat noong pinatay sila noong Agosto 1892 sa pamamagitan ng Garote. Bagay na kailangan mong pigilan para magbago ang mapait na sinapit ng Pamilya Anastacio sa kamay ng mapanlinlang na mga Kastila."
"Alam kong wala kang hilig sa history kaya ipapaliwanag ko sayo ang ibig sabihin ng Garote." Patuloy pa ni Sir Luke.
"Ang Garote ay isang sandata na karaniwang tumutukoy isang hinahawakan ng kamay na panali o pamigkis na tanikala, lubid, at alambre na ginagamit sa pagsakal sa isang tao. Ito ang parusang ginagamit sa mga Pilipino na hindi nakasunod sa batas ng mga Kastila."
BINABASA MO ANG
Huling Himagsik
Historical FictionHighest Rank: #12 in Historical Fiction [January 23, 2018] "Kung papipiliin ako sa lalaking matalinung-matalino ngunit walang puso at lalaking punung-puno ang puso ng pag-ibig ngunit walang talino, pipiliin ko ang huli." Meet Angela Santiago ang mak...