Chapter 8

2.6K 58 0
                                    

  Hannah POV

Pagkarating ko sa School dumiritso kaagad ako sa locker ko. kinuha ko ang white P.E uniform ko at nagpalit. tuwing Tuesday kasi yung P.E class
namin.

"Hannah sa tingin mo Makikita ko pa kaya si kookie?" tanong ni Erika.

"Makikita mo rin siya Tiwala lang "

"E bakit ganon beshy may Ticket na nga ako tapos di pa tayo nakapunta. Sa tingin mo malas ba ako beshy?"

Kung alam lang ni Erika na mas malas pa ako sa kanya hayy..

"ang drama mo!" sabi ko.

"Wait! beshy anong araw ngayon? Dali sabihin mo sa akin!" Aniya.

"Tuesday? bukod sa P.E natin ngayon ano pang meron?" ako.

"WAAAAHHH BESHY TARA NA SA GYM!! MAY PRACTICE NGAYON ANG JAGUARS!!"

JAGUARS Ang tawag sa Varsity player ng FF university. at dahil player basketball sila marami ang mga babaeng humahanga sa kanila kabilang na Si Erika. Hindi sa wala akong crush.. sadyang Hindi lang sila pasok sa taste ko. Ewan ko ba dito sa bestfriend ko sa dami ba namang crush.

Tulad ng inaasahan maraming studyante ngayon na nanonood.. grabe practice palang puno na ang
Gym.

Natuon ang paningin ko sa lalaki na ngayon ay Pawisan habang pa shoot2x lang ng bola sa ring.
Bawat tira nito nagtitilian ang mga babaeng nanonood.

"Felixson.." bulong ko.

Ito ang ikatlong beses na dinala ako dito ni Erika At ni Minsan Hindi ko nakita si Felixson na nagpractice. Ngayon lang..

"Omg! Beshy sa wakas na tyempohan natin si Felix ngayon!! Kyaahhh!!" sabi ni Erika.

"Kasali ba siya sa Jaguars?" pasimpleng tanong ko.

"Yup! Actually Beshy He is the Captain ball of their Team. Pero Minsan lang siyang magpractice dito. himala nga't nagiinsayo siya ngayon hihi. " sabi niya.

Tumango tango lang ako kay Erika. Updated siya masyado kay Felixson.
ibinalik ko ang paningin ko sa Jaguars at laking gulat ko ng magtama ang paningin namin ni
Felix.

"Beshy Tara na may P.E class pa tayo!" sabi ko.

Hindi ko na hinintay na sumagot ito at hinila ko na siya papuntang hagdan. Nasa 3rd floor ang P.E class namin.

"Beshy wait lang! mauna kana sa taas sagutin ko lang itong tumatawag sa akin." sabi ni Erika.

"Sige, sunod ka nalang.." sabi ko na siyang tinanguan niya lang.

***
Nasa kalagitnaan ng pagtuturo ang P.E teacher namin ng bigla sumakit ang puson ko.

"Sir..Cr Lang po ako" paalam ko.
Dumiritso ako sa CR.

Waaahhh bat ngayon pa?! Bat di ko naisip ang araw na ito? Naku! Naku! paano na ito?

Nakailang tawag ako kay Erika pero Hindi nito sinasagot ang tawag ko. halos sampung minuto narin ako dito sa CR.

Wala na akong maisip na pweding tawagan kaya bahala na..

*dialing Hinayupak ...*

*****
Felixson POV

kanina pa tawag ng tawag itong babaeng ito.

"Dre mukhang kanina pa yan!Sagutin mo na baka importante." zeedy.

Importante? Tsk. .

"GUYS! Una na Kami!!" sigaw ng ibang jaguars.

nasa locker room kami ngayon nagbibihis kakatapos lang ng practice namin.

Dinampot ko sa bulsa ang phone ko at sinagot ang call ni Hannah..

Hinintay ko itong magsalita sa kabilang linya..

"Fe ... Felix...so..n pwedi ka bang pumunta ngayon dito sa 3rd floor." sabi sa kabilang linya.

mahinahon ito sa pagsasalita kumpara nung nakaraang araw.

"Tsk. nakalimutan mo na ba yung Rule no.1 rule?" Tanong ko.

"Wala akong pakialam! Basta pumunta ka Dito sa 3rd floor!! Nasa CR ako!!" Bulyaw niya sa kabilang linya. Kanina mahinahon,tapos ngayon sinisigawan niya ako? Kung di lang siya bata tsk.

"Hin---*toot*toot*toot* "

maya-maya pa ay nagtext ito.

From: HANNAH PANGET: Felix kakapalan ko na ang mukha ko. NAPKIN.. Bilhan mo ako ng Napkin
ngayon na kanina pa ako andito sa CR. Please!

N..A..P..K..I..N..  

MARRYING A HIGH SCHOOL GIRLWhere stories live. Discover now