Chapter 30

2.4K 51 0
                                    

  "Nasan na ba tayo??" tanong ko Kay felixson.

Hanggang ngayon kasi naglalakad parin kami. At itong si Felixson parang di nasiraan ng Sasakyan e kung makalakad parang namamasyal lang.

Hindi ako pinansin nito, kayat tumingin tingin na lang ako sa paligid.

tahimik at napakalinis ng paligid, parang alagang alaga ito ng kung sino man ang nakatira dito.

Halos limang minuto na kaming naglalakad at heto naka buntot lang ako Kay Felixson. Baka bigla nalang itong tumakbo at iwan ako dito.

Mabuti na ang aware!

Bigla na lang may sumulpot na matandang lalaki di kalayuan sa amin. At may dalang itak.

Hala!

Napakapit ako sa braso ni Felixson sabay sabing..

"Felixson tumakbo na tayo!"

"Hannah kanina ka pa ah! Tumigil ka nga muna." Sabi ni felixson.

*pout*

"Señorito??"

"Señorito? Ikaw ba yan??"

Sabi ng matandang lalaki pagkalapit sa amin..

"Ako nga po mang isko.."

"Abay lalo kang gumuwa señorito!"

"Salamat po." magalang na sagot ni felixson.

Luuhh pag ibang tao ang kausap ang bait at ang galang. Pero pag sakin para siyang demonyo.

"Kailan pa po kayo dumating? Tsaka bakit po kayo naglalakad dito sa masukal na gubat.?" Sabi ng matandang Lalaki.

"Actually nasiraan kami ng sasakyan mang isko."

"Ganon ho ba señorito, abay sandali tatawagin ko si Edgar para masundo kayo dito."

"Wag na po, malapit narin naman sa palasio kaya na ho namin maglakad."

"Ei paano itong magandang bini-bini señorito?"

Napatingin sa akin si felixson at ngumisi Sabay sabing..

"Kaya naman ho niyang maglakad."

Pinandilatan ko siya ng mata. E sa kanina pa pagod itong paa ko..

"Sige mang isko, tutuloy na po kami"

"Abay sige.. Magiingat kayo señorito"

Nang mawala na sa paningin namin ang matandang lalaki na tinatawag na mang isko nitong si felixson ay ka agad akong pumunta sa harap niya sabay sabing.

"BAT MO SINABI YUN? E KANINA PA AKO PAGOD ALAM MO BA YUN? YUN NA EH MAY SUSUNDO NA SA ATIN. TUMANGGI KA PA!!!"

"gusto Kong mag lakad, asawa kita kaya dapat kung saan ako dun ka rin, kung maglalakad ako maglalakad ka rin understood??"

"teekkkaaa!! Alam mo kahapon ko pa naririnig sayo yang "asawa" sa bibig mo! Yung totoo lumuwang ba yang tulnilyo sa utak mo? Naku! Mag asawa lang tayo sa papel!! Period!!"

"Kahit na.."

Nagpatiuna na ito sa paglalakad, at wala akong magawa kundi ang sundan na lang siya sa likod niya. E sa naiinis ako sa kanya.

Palakad lakad lang kami, at wala ni isa sa amin ang nagsasalita. Huni ng ibon lang ang nangingibabaw sa kakahuyan..

Hindi ko talaga siya kakausapin.ang kapal niya ei.

*bllaaaggh*

"ARAAAAYYY"

Napasigaw na lang ako sa sakit ng pagkakadapa ko.

"Aray huuu"

Napahinto si felixson sa paglalakad at napatingin sa akin.

"ANO TITINGNAN MO NA LANG BA AKO DYAN? HINDI MO MAN LANG AKO TUTULUNGAN??"

"tsk, mukhang kaya mo naman." Sabi niya at tumalikod na.

Asa pa akong tutulungan at aalayan niya ako. E may sa demonyo itong hinayupak na to.

Tumayo na ako pero.. Pero..

"Waahhh!! Aray naman.."

Mukhang di ko kaya, dahil sobrang sakit talaga ng paa't tuhod ko.

"Tsk. Lampa!"

Nagpatiuna na si felixson sa paglalakad samantalang ako heto't hindi pa rin nakakatayo..

"Wuiii Felixson!! Hindi ako makatayo mukhang napilayan yata ako!!"

"FELIXSON ANO BA!! BUMALIK KA DITO!!"

"Uwaaaaahhhhhhh felixson naman e hindi ako nagbibiro di ko talaga kayang makatayo."

Napasulyap ako sa paa ko..

"Tsk kahit kailan at kahit anong gawin ko bata ka talaga."

Napatingala ako Kay felixson na ngayon ay seryosong nakatingin sa akin.

"Konting sugat lang umiiyak ka na." Pagpapatuloy nito.

Umupo siya sa harap ko at hinawakan ang paa Kong may sugat..

"Pumasan ka sa likod ko."

"Ayuko nga!" Suway ko.

"Papasan ka, o iiwan kita mismo dito?"

"Oo na! Heto na!! Basta ah! Wag mong pairalin yung pagka superman mo kundi makakatikim ka sa akin."

"Oo na Dora." Sabi nito kayat..

"Awww!! Bat mo ko binatukan?" Singhal niya.

"Wag mo kasi akong tinatawag na Dora."

At ang hinayupak? Abay tinawanan lang ako.

MARRYING A HIGH SCHOOL GIRLWhere stories live. Discover now