Chapter 34

2.2K 47 1
                                    

  ulad ng inaasahan ko nadatnan namin si pia sa mansiyon at mukhang kanina pa kami hinihintay nito. Agaw pansin din ang suot nitong damit na hapit na hapit sa kanyang katawan.

Matapos namin magbihis ay umalis na kami sakay ng kotse ni felixson. Uupo na sana ako sa left side kung saan sa tabi ni felixson pero bigla nalang umariba si pia, kayat ang resulta heto ako't nakaupo mag isa sa likuran. Samantalang sila heto nag uusap na parang wala silang kasama.

kinuha ko nalang ang headphone ko at isinaksak sa tenga ko. Makikinig nalang ako ng Kpop songs para naman mabawasan ang pagkainis ko. Dahan dahan Kong ipinikit ang mga mata ko at ninanamnam ang bawat lyrics ng kanta..

Maya maya pa ay bigla nalang may kumabig sa balikat ko kayat napamulat ako.

Bumangad sa akin ang maamong mukha ni felixson na nakatayo sa harap ng pinto ng sasakyan. Nagsasalita ito pero di ko maintindihan.

Hala! Nabingi na yata ako!

Nagulat nalang ako ng biglang inalis ni felixson ang headphone sa tenga ko.

"Tss! BUMABA KANA DYAN!! NANDITO NA TAYO!!" sigaw niya.

"Aray! Kailangan talaga sumigaw?" sabi ko.

"Bingi ka kasi" mahinang sagot nito.

Pagkababa ko sa sasakyan ay napansin ko agad ang bawat makukulay na tindahan at ang mga taong may kanya kanyang tinitingnan.

"Wow! Mukhang ang saya dito!" Sabi ko sa dalawa Kong kasama.

"Yeah masaya talaga dito, lalo na't nandito si felixson." sabi ni pia Habang nakahawak sa braso ni felixson na ikinataas ng kaliwang kilay ko.

Ang landi!

"Ahmm dun tayo!" sabi ni pia kayat sumunod lang ako sa kanila. Pumasok kami sa isang ihawan kung San di masyadong matao.

At base sa pakikitungo sa amin mukhang kilala itong mga kasama ko ng may ari nito.

Pagkaupo namin sa harap ng lamesa ay ang siya rin pag lapit samin ng matabang lalaki..

"Señorito .. Mabuti at napadalaw kayo dito sa probinsya." Sabi nito.

"Opo mang Roy, kamusta na ho kayo? Mukhang lumalago din itong ihawan niyo." sabi ni felixson.



  "Hay nako iho laking pasasalamat ko Kay señora Felicia kung di dahil sakanya baka wala na akong mapagkakakitaan ngayon haha! Siya Nga pala sino itong magandang dalaga na kasama niyo? Ngayon ko lang siya nakita dito." Sabi nito habang nakatingin sa akin.

"Asawa ko ho si Hannah" sabi ni felixson.

Wow ha, nakakarami na itong hinayupak na ito. Mukhang buong mundo ipagkakalat niya na asawa niya ako.

Pero yun naman kasi ang totoo..

"Abat! May asawa kana pala señorito, napakagandang dalaga! Bagay na bagay kayo.." sabi ni mang roy.

"Tsk tsk!" Pia.

"Nice to meet you po mang Roy!" Sabi ko dito sabay lahad ng kamay ko na tinanggap naman ng huli sabay sabing..

"Ilang taon kana nga pala señorita?"

"15 po" sagot ko at mejo inaasahan na ni mang roy ang sasabihin ko. tumawa ito ng malakas pagkuway nagsalita ito.

"May kasabihan nga "Ej dasen mater"kung pareho naman kayong nagmamahalan sa isat-isa. At mukhang kayo ang talagang itinadhana." Sabi ng matanda.

Kami nagmamahalan?! Asa!

"Eheemm mang Roy nasan na yung order naming inihaw?" Sabat ni pia.

"Ayy! Pasensya na ho kayo!"pagkaraan ay umalis na ito.

Di nagtagal ay naihanda na sa mesa namin ang ibang iba klase ng ihawin.nilantakan namin ito. Ng matapos ay lumabas na kami dun.

Nasa likuran lang nila ako ng biglang may grupo ng kababaihan ang nadaan sa tabi namin at biglang..

"Felixson??"

Nasaan na sila?

Inilibot ko ang paningin ko sa lugar pero wala akong felixson at pia na nakita.

Paano ako nito?


"Ms? Ok kalang??" 

MARRYING A HIGH SCHOOL GIRLWhere stories live. Discover now