Chapter 41

2.3K 49 0
                                    

  nakaupo ako ngayon sa harap ng mesa kasama si felixson na nasa harap ko lang din.

Nababaliw na ba itong hinayupak na ito? Kanina pa kasi siya ngumingiti na parang Ewan.

Sinipa ko ang paa niya sa ilalim ng mesa sabay sabing..

"Nakahithit kaba ha felixson?"

Tiningnan ako nito ng masama, kayat pasimple akong umiwas ng tingin sa kanya.

Shems bat ganyan yung titig niya ngayon? Nakakaakit ..

Teka nasabi ko bang nakakaakit ang titig niya?

Pwe!

"Hannah anak pakikuha nang tubig sa ref!"

"Opo!" sagot ka at naglakad patungo sa ref.

pagbalik ko ay nakaupo na rin si mama sa harap ng hapagkainan.

Hindi ko alam ah! Itong si felixson na ubod ng kasungitan ay heto't nakikipagtawanan kay mama na parang matagal na silang magkakilala.

"Ehem"

Ilalagay ko na sana ang pitsel sa lamesa ng biglang aksidenteng akong nawalan ng balanse, dahilan para matapon ang tubig sa mismong katawan ni felixson.

"Fvck!" - felixson.

Napatayo si felixson sa upuan, halata sa mukha nito ang pagkadismaya.

"Nakung bata ka! Bat di ka nagiingat nabasa tuloy ang asawa mo!" sabi ni mama at dali daling kumuha ng Towel.

"Mama di ko po sinasadya" Sabi ko..

"O siya hanapan mo si felixson ng Maluwang na damit duon sa closet ni Rakki." Sabi ni mama.

"Eh mama wala naman nun si Ate rakki eh."

Napahinto si mama, at nagiisip ito pagkaraan ay tumingin siya kay felixson mula ulo hanggang paa sabay sabing.

"Felixson iho, okay lang ba sayo ng kahit ano ang suotin mo ngayon gabi?"

"Yes tita, okay lang."

Ngumiti ng napakalapad si Mama pag kuway dali dali itong naglakad papunta sa kuwarto niya.

"Tadaahh! Ito na ! Pasensya kana yan lang ang maluwang at sa tingin ko ay magkakasya sayo." sabi ni mama sabay abot kay felixson ng..

"DASTER???" Gulat na sabi ni felixson na tinanguan ni mama.

Parang nabagsakan ng langit at lupa si felixson habang tulalang nakatingin sa daster.. Samantalang ako ay di ko napigilan ang sarili ko na matawa.

"Pffffffttt wahahahahha" 



MARRYING A HIGH SCHOOL GIRLWhere stories live. Discover now